top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pati mga kaibigan, pinagseselosan… ANGELINE, AMINADONG SOBRANG SENSITIVE AT SELOSA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 18, 2022



Sinorpresa ni Angeline Quinto ang dati nilang kapitbahay na nagpapautang noon sa kanila nu'ng mahirap pa sila.


Ibinahagi ng singer ang video ng kanyang pagbisita sa kaibigan ng kanyang Mama Bob (SLN).


Ito umano ang kapitbahay nila noong nasa Sampaloc pa sila nakatira kasama ang kanyang ina.


Ayon kay Angge, ang kapitbahay nilang ito ang nagpapautang sa kanila ng ulam noon kapag wala silang ulam. Ang anak din daw nito ang nagme-makeup sa kanya tuwing may mga sasalihan siyang mga patimpalak noon.


Hindi naman mapigilang maiyak ni Aling Helen nang matanggap niya ang groceries at bigas na bigay ng singer sa kanya.


Aniya, masaya siyang muli nang makita ang singer at malaking bagay din ang ibinigay nito dahil hindi na raw siya bibili ng bigas.


Si Angeline ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows.


Nakilala siya sa music scene nang sumali sa singing contest na Star Power.


Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mga teleserye at pelikula.


Regarding naman sa love life ng singer, ayon kay Angge, selosa talaga siya. Madalas siyang magselos sa boyfriend na si Nonrev Daquina.


Sa kanyang YouTube video ay meron silang "Who's Most Likely" challenge. Aniya, parang napagseselosan niya lahat, hindi lang sa relasyon nila kundi maging 'yung kanyang mga kaibigan.


Inamin niyang sensitive siya at natatamaan umano siya 'pag may naririnig tungkol sa kanyang fiancé.


Sa isang vlog ay inamin niya na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa boyfriend at ama ng anak niya.


Naikuwento rin ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa kanilang relasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page