Pati mga anak, damay… CARMINA, NAGPARETOKE RAW NG ILONG, PIKON NA PIKON
- BULGAR

- 31 minutes ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 28, 2026

Photo: IG _mina_villaroel
Ayon sa isang source, pikon na pikon diumano si Carmina Villarroel sa mga bashers na nagsasabing nagparetoke siya ng ilong. At maging ang mga anak niyang sina Cassy at Mavy ay nagpa-rhinoplasty din daw upang gumanda ang hugis ng kanilang ilong.
Kaya naman, naghamon daw ang aktres na patunayan ng mga nagpapakalat ng ganitong paninira na nagpaayos sila ng ilong.
Well, may hangganan din naman ang pasensiya ng mga artista, lalo na kung personal na ang panlalait sa kanila.
Matagal nang artista si Carmina. Wala naman siyang image na mataray at maldita. Hindi rin niya gustong maging kontrobersiyal. Sasagot lang siya sa isyu kapag siya ay naaagrabyado at idinadawit ang mga anak niyang sina Cassy at Mavy.
Ang mister niyang si Zoren Legaspi na cool lang ay pinapayuhan si Mina na huwag nang patulan ang mga bashers. Hihinto rin ang mga ito kapag hindi pinapansin.
Kahit naka-jackpot sa bilyonaryo… BEA, AYAW UMASA SA PERA NG MISTER, TODO-KAYOD PA RIN
MAITUTURING si Bea Alonzo na isa sa mga may matataas na talent fee (TF) ngayon sa showbiz. Kahit hindi na sila nagtatambal ni John Lloyd Cruz, still, mataas pa rin ang kanyang value sa mga endorsements na tinatanggap niya. Nakakapag-demand pa rin siya nang milyun-milyong bayad sa kanyang mga projects.
At ngayong nagpakasal na siya sa multi-millionaire businessman na si Vincent Co, kung tutuusin, puwede na siyang magpahinga sa showbiz. May mga negosyo naman si Bea na kumikita nang malaki, pero mukhang wala pa sa plano niya na iwanan ang pagiging artista.
Gusto pa rin niyang patuloy na kumita at maging stable at financially secure. Gusto niyang may sariling pera at hindi dumepende sa kanyang mister.
Well, kung tutuusin, hindi naman basta bababa ang kanyang premium kahit nag-asawa na siya. Tulad nina Marian Rivera, Anne Curtis at Judy Ann Santos, patuloy pa rin silang kinukuhang endorser ng iba’t ibang produkto at mataas pa rin ang kanilang TF.
Kailangan lang na lagi silang visible at nakikita ng publiko para may impact pa rin sa mga tao.
MUKHANG napagod nang magmahal ang Kapuso star na si Mikee Quintos pagkatapos nilang maghiwalay ni Paul Salas. Apat na taon ding tumagal ang kanilang relasyon at walang malinaw na dahilan ng kanilang breakup.
Walang third party involved dahil hanggang ngayon ay wala pa silang ipinapakilalang bagong pag-ibig. Pareho nilang ine-enjoy ang pagiging single.
Nang mag-guest si Mikee sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natanong siya kung may umaaligid at nagpaparamdam sa kanya ngayon. Gumanda at bumata ang hitsura ng aktres nang magbago ng hairstyle.
Samantala, nabanggit din ni Mikee ang tungkol sa maturity. Gusto raw niya na siya ang bine-baby at inaalagaan.
Well, nagkaroon naman daw sila ng closure ni Paul at nakapag-usap nang heart-to-heart. Walang galit at bitterness sa kanyang puso, at sakaling makatagpo na sila ng aktor ng kani-kanilang bagong pag-ibig ay matatanggap ni Mikee.





Comments