top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

JULIA, GUSTONG BURAHIN SA ONLINE NA NAGING THIRD PARTY DAW SA HIWALAYANG GERALD-BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 13, 2026



Julia Barretto - The B Side YT

Photo: Julia Barretto - The B Side YT



Nasgsalita na ang aktres na si Julia Barretto tungkol sa matagal nang kumakalat na tsismis na siya diumano ay buntis at kasal na.


Sa panayam sa kanya ni Bianca Gonzalez sa programang The B Side (TBS) ng Cinema One, tinanong si Julia kung ano ang tsismis tungkol sa kanya na ilang taon nang kumakalat ngunit hindi naman totoo.


“Well, for how many years straight, I was pregnant and married. That’s not true today. Maybe someday,” sey ni Julia.


Sagot naman niya kung ano’ng balita tungkol sa kanya sa internet ang gusto niyang i-delete.


“All my interviews and everything in 2019. Yes of course, because anything on the internet is like, for life. It’s not something that you can delete anymore,” sey ng aktres.


Nagsalita raw siya noon tungkol sa mga issues sa kanya para na rin sa kanyang pamilya.

“But that time, it was more for the people around me. I never needed it for myself. My family, yeah,” esplika ng dalaga.


Nasangkot si Julia sa sunud-sunod na kontrobersiya noong 2019, kabilang ang akusasyong siya ang third party sa breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Well, at least, hindi buntis si Julia, ‘di ba? 





CUTENESS overload ang larawan ng anak ng aktor na si Smokey Manaloto na ipinost niya sa kanyang social media account.


Buong-pagmamalaking ipinakita ni Smokey ang kanyang anak na si Maria Clara.

Sey niya sa caption, “‘Di ko na sana ise-share ito sa inyo pero ‘pag ganito kaganda ang ngiti na sasalubong sa ‘yo tuwing umaga, ‘di s’ya dapat ipinagdadamot!

“Haaay naku, Maria Clara... ang sarap mong ngumiti!!!”


In fairness, super-lucky si Smokey dahil nabiyayaan siya ng anak na may napakagandang ngiti. 

Pak, ganern!





MAY bagong mabilisang kilig na aabangan sa iWant, handog ang kauna-unahang boys’ love (BL) vertical drama series nito na Coach Me Maybe, tampok ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) housemate na si Rave Victoria at bagong heartthrob na si Lance Jeremy.


Sesentro ang vertical series sa queer love na nagsimula sa tunggalian ng judo champion na si Alpha (Lance) at academic achiever na si Romeo (Rave). Para pagselosin ang kanyang ex, kukuntsabahin ni Alpha si Romeo na magpanggap na sila’y nasa isang relasyon, pero mauwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap?


Tampok din sa BL series sina Christian Vasquez at Valerie Concepcion, kasama sina Kanata Tapia, Rhianna Santiago, Iñigo Jose, Josh Worsley at Ian Lubrica.


Ito ay sa direksiyon ni Theodore Boborol, na direktor din ng hit reality-queer dating series na Sparks Camp, na ngayo’y palabas ang ikaapat nitong season sa iWant.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page