top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pati gowns, dekorasyon, etc., sosyal… DEBUT NI JILLIAN SA OKADA, GINASTUSAN NANG MILYONES

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 2, 2023




Sobrang bongga at elegante ang ginanap na grand debut ng Kapuso young actress na si Jillian Ward last Feb. 23.


Kaya, hindi napigilan ng ilang netizens na magtanong kung ilang milyon kaya ang nagastos ni Jillian sa kanyang debut? Inubos na ba niya ang kanyang savings para sa big event ng kanyang buhay?


Mahal ang magpa-party sa Okada Manila na venue ng kanyang debut. At ilang gowns din ang kanyang ipinagawa sa sikat na fashion designer na si Mak Tumang na kanyang isinuot.


Napakasosyal din ng lahat ng naging preparasyon at dekorasyon sa venue ng kanyang debut.



Kaya naman, masayang-masaya si Jillian dahil natupad ang lahat ng kanyang kahilingan para sa kanyang 18th birthday.


Dumalo rin ang cast ng seryeng Abot-Kamay Na Pangarap sa pangunguna nina Carmina Villarroel at Pinky Amador.


Samantala, ikagugulat ng mga viewers ang mga magaganap pagkatapos mabunyag ang lihim ni Dr. Tanyag (Richard Yap) na anak niya si Dra. Analyn (Jillian Ward).


Hahamunin naman si Dra. Analyn ni Dra. Zoey na sabay silang magpa-DNA test. At ang resulta nito ay tiyak na panibagong twist na naman sa kuwento ng Abot-Kamay na Pangarap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page