top of page

Pati ginawa nila, ibinulgar… ALJUR AT AJ, UMAMING NAG-HOTEL NGA NU'NG V-DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 19, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 19, 2022





Nagsalita na sa wakas ang aktor na si Aljur Abrenica kaugnay ng isyung magkasama nilang isinelebreyt ng rumored girlfriend na si AJ Raval ang Valentine's Day sa isang hotel sa Leyte.


Nag-viral ang larawan ng dalawa na ipinost ng ilang staff ng hotel kung saan kasama nilang nagpakuha ng picture ang dumayong rumored celebrity couple sa kanilang lugar.


Sa panayam sa aktor ng Cine Bravo, inamin ni Aljur na nag-check-in nga sila ni AJ sa Haiyan Hotel nu'ng February 14, Araw ng mga Puso, subali't hindi raw para magpahinga lang, kundi kumain daw sila at nag-freshen up.


"We and AJ were invited sa cooperatives... sa may Leyte. Trabaho 'yun, eh," aniya.


"Tapos, nagbihis lang to freshen up para sa show, siyempre, nagkataon lang na February 14, Valentine's (Day), tapos picture-picture. Pero ang dating (sa mga posts), parang ilang araw kami ru'n," dagdag niyang sabi.


Samantala, sa Facebook post ni AJ, ishinare niya ang post ng DORELCO, ang kumpanyang nag-imbita sa kanila ru'n para mag-show.


Sa post, makikitang um-attend sila ng blessing-inauguration at launching ng isang local radio station. Pinatotohanan ng post ang sabi ni Aljur na nandu'n sila para sa trabaho.


Ayon pa sa post ng DORELCO, kasama sa kanilang mga in-invite para mag-perform bukod sa dalawa ang It's Showtime's Tawag ng Tanghalan Season 2 finalist na si Reggie Tortugo at PTV director-anchor na si Cesar Soriano.


Pahayag pa ng DORELCO, "Actor-performer Aljur Abrenica and actress AJ Raval visited DORELCO for the blessing, inauguration of DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM in DORELCO, Barangay San Roque, Tolosa, Leyte. The two joined in the cutting of ribbon held right after the blessing of the radio station. They also rendered intermission number during the program," depensa ng DORELCO kina Aljur at AJ.


Tuloy, duda at tanong pa rin ng BULGAR subscriber na si Joayne Muksan, isang OFW sa Dubai, magkahiwalay ba ng room ang dalawa nang sila'y magbihis at mag-freshen-up?


"Hindi kasi malinaw kung may kani-kanyang kuwarto sina Aljur at AJ. Nataong Araw ng mga Puso pa naman 'yun," sey pa ng suking reader.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page