Pati basahan, branded din? HEART, IDINISPLEY ANG CHANEL HANGER NA WORTH P3 K ANG ISA
ni Nitz Miralles - @Bida |February 19, 2022

Nakakaaliw basahin ang mga comments ng mga followers ni Heart Evangelista sa Chanel hangers na ipinost nito sa Instagram. Three hangers lang ang ipinost ni Heart at sure ang mga followers na marami pa siyang ganu'n.
May nag-research at nalamang ang Chanel hanger ay pumapalo ang presyo in dollars mula USD$45 to USD$56. Sa peso, between P2,305 to P2,869.
Kaya ang mga netizens, kani-kanyang comment.
“Kapag ako nahampas ng hanger na ito, magpapasalamat pa ako.”
“Sinampal na naman ako ng kahirapan, pati ba naman hanger, branded. Akin nga tig-P20 lang sa palengke pamalo pa sa puwet.”
“Kung ganito hanger namin, walang karapatan si Mama na paluin ako.”
At ang mas nakakatawa, “'Pag 'yan hinanger sa labas, 'yung damit, maiiwan, 'yung hanger 'yung mawawala.”
May gusto tuloy makita ang mga basahan sa bahay nina Heart at baka branded din daw. Kaya request nila kay Heart, ‘yun ang sunod niyang i-post.





Comments