top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Patay kay ‘Paeng’, 110 na – NDRRMC

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 1, 2022



Umabot na sa 110 ang nai-report na bilang ng mga namatay dahil sa Severe Tropical Storm Paeng, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.


Batay sa 6AM report ng NDRRMC, sa nasabing bilang, 79 ang kumpirmadong nasawi habang 31 ay “for validation” o bineberipika pa.


Karamihan sa mga namatay o 59 sa kanila ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ayon naman kay Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa ginanap na briefing kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw, sa Maguindanao, na bahagi ng BARMM, 61 indibidwal ang namatay dahil kay ‘Paeng’.


Bukod sa mga nasawi, nasa 101 katao ang nai-report na nasaktan, 63 dito ang kumpirmado habang 38 naman ang bina-validate pa.


Patuloy din ang search operations para sa 33 indibidwal pa na naiulat na nawawala, kung saan 23 sa kanila ang nakumpirma.


Ayon pa sa NDRRMC, maraming lugar sa bansa ang matinding binayo ng Bagyong Paeng nitong weekend, na nasa 865,981 katao ang na-displace, kabilang na ang mga nananatili sa 2,728 evacuation centers.


Hanggang ngayong Martes ng umaga, may kabuuang 160 cities at municipalities ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa epekto ni ‘Paeng’, kung saan lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Lunes ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page