Patakaran sa huling sahod
- BULGAR
- Jul 11, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 11, 2023
Dear Chief Acosta,
Limang buwan na mula noong nag-resign ako. Cleared na rin naman ako sa lahat ng accountabilities ko pero sa tuwing tatawag ako sa HR para mag-follow up ng huling sahod ko, ang sinasabi lang sa akin ay pina-process pa. Ganoon ba talaga katagal i-process ang huling sahod? - Clarice
Dear Clarice,
Para sa iyong kaalaman, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Labor Advisory No. 06, Series of 2020, na nagsasaad ng mga sumusunod:
“To effectively harmonize the management prerogative of the employer and the right of the employee, the Final Pay shall be released within thirty (30) days from the date of separation or “To effectively harmonize the management prerogative of the employer and the right of the employee, the Final Pay shall be released within thirty (30) days from the date of separation or termination of employment, unless there is a more favorable company policy, individual or collective agreement thereto.”
Kung tapos ka na sa clearance at wala nang pending accountabilities, ang final pay o huling sahod ay dapat mai-release o maibigay sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagwawakas ng trabaho, maliban kung mayroong mas favorable na patakaran ang kumpanya, indibidwal o kolektibong kasunduan dito.
Sa iyong kaso na delayed ang iyong dating employer sa pagbigay ng huling sahod, maaari kang magreklamo sa DOLE Regional/Provincial/Field Office na nakasasakop sa lugar ng iyong trabaho.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments