top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pastor Quiboloy, DDS bloggers at trolls, lagot kay Pacman!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 05, 2021



PASTOR QUIBOLOY AT MGA DDS BLOGGERS, KAKABA-KABANG TUTULUYAN SILANG KASUHAN NI PACMAN—Sasampahan ng kasong cyber libel ni Sen. Manny Pacquiao si Pastor Apollo Quiboloy at DDS na nagdadawit sa kanya sa kuwestiyunableng P3.5 bilyong Sarangani Sports Training Center kasi ayon sa senador ay fake news ang ipinakakalat ng mga ito sa social media dahil ang ginawa lang niya ay gawin ang panukalang-batas para sa sports training at hindi siya nakialam sa pagpapagawa nito.


Dahil sa sinabi ni Pacman, malamang ay kakaba-kaba na si Pastor Quiboloy at DDS bloggers kasi sa tema ng salita ng senador ay talagang tutuluyan silang kasuhan, period!


◘◘◘


PASTOR QUIBOLOY BILANG “APPOINTED SON OF GOD”, FAKE NEWS—Kung totoong dawit si Pastor Quiboloy sa pagpapakalat ng fake news para siraan pagkatao ni Pacquiao ay lumalaba na fake rin ang madalas niyang ibida na “appointed son of God” daw siya.


Ang Diyos kasi ay mabuti at hindi magtatalaga ang Panginoon ng kanyang “Anak” sa sangkatauhan para lang magpakalat ng fake news at manira ng tao, boom!


◘◘◘


DDS TROLLS, GUGUTUMIN NI PACMAN PARA MAPUKSA—Sabi pa ni Pacquiao, pag-uwi niya sa Pilipinas ay isa raw sa mga magiging misyon niya ay labanan ang DDS trolls kasi pera ng bayan ang ginagamit para magpakalat ng fake news at manira ng tao.


Sa tema ng salita ni Pacman at tila desidido itong tuklasin at kasuhan ang sinuman sa mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng budget sa DDS trolls upang matigil na ang paglulustay nila sa kaban ng bayan na ipinambabayad nila sa mga “trolls”.


Kapag nangyari ‘yan, gutom na ang aabutin ng DDS trolls kasi mawawala na budget nila para manira ng tao sa pamamagitan ng fake news, abangan!


◘◘◘


DUTERTE GOV’T. ‘NGANGA’ SA PATULOY NA PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT RATE SA ‘PINAS—Ayon sa PSA (Philippine Statistics Authority) ay 7.7% o 3.76 milyong Pinoy ang nadagdag sa mga nawalan ng trabaho noong June 2021.


Totoo ‘yan, hindi fake news ang ibinalitang ‘yan ng PSA kasi sa totoo lang, milyun-milyong Pinoy na ang naghihikahos ang pamumuhay mula nang magka-COVID-10 pandemic, at ang nakalulungkot, “nganga” lang ang Duterte gov’t. sa patuloy na pagtaas ng unemployment rate sa Pilipinas, na ‘ika nga, hindi sila makaisip ng paraan kung paano mabibigyan ng hanapbuhay ang mga nawalan ng hanapbuhay, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page