top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pastillas’ kuno na kotong sa mga foreigners sa bansa...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 2 min read

Ipapakain ko sa mga bulok na taga-Bureau of Immigration o lumayas sila, now din!!

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | October 9, 2020



Suportado natin ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang ‘Talk to the People’ address na kailangang ayusin ang burukrasya upang siguraduhin ang ease of doing business sa bansa at labanan ang korupsiyon sa gobyerno. Mas lalo itong kailangan ngayon para mapabilis ang ating pagbangon sa panahon ng pandemya.


Minsan ay inaabot ng ilang taon, ilang buwan na nakatiwangwang ang mga dokumento. ‘Yung iba, pinatutulog pa ‘yung mga papeles. Dalawang bagay lang ang ibig sabihin nito: Hindi ginagawa nang maayos ng mga ahensiya ang kanilang trabaho o may nangyayaring korupsiyon.


Isa sa mga ahensiya na tinututukan ngayon ay ang Bureau of Immigration kung saan talamak ang tinatawag nilang “pastillas scheme.” Ito ay isang uri ng pangongotong kung saan nakarolyo sa mga bond paper ang kinikil na pera para sa mga tauhan ng BI mula sa mga foreign nationals na pumapasok sa bansa.


Sa mga sangkot at kasabwat sa anomalya riyan sa BI, pumili kayo sa tatlo: resign, lumayas na lang, o ipakain sa inyo ang pastillas na pera na kinotong ninyo ang laman!


Naniniwala pa rin naman tayo na mas marami ang matitinong tao sa BI, kaya huwag nating hayaang makahawa angmga bulok na empleyado.


Gagawin natin ang lahat para maiwasan ang korupsiyon o ‘yung temptasyon, ‘ika nga. Kaya magtulungan tayo.


Kung dapat lagyan ng ngipin ang batas para sundin ng mga kawani ng gobyerno, gawin ito. Iisa lang ang ating layunin: ang maisaayos ang burukrasya at mapaganda ang serbisyo sa tao.


Kaya naman, suportado natin ang Senate Bill 1844, na layuning bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na pabilisin ang mga proseso at transaksiyon sa gobyerno sa panahon ng national emergencies.


Isa ang inyong lingkod sa mga nag co-Sponsor nito sa plenaryo noong Miyerkules bilang suporta sa mga pangunahing may-akda na sina Senate President Vicente C. Sotto III, Senators Ralph G. Recto, Juan Miguel F. Zubiri, Franklin M. Drilon and Panfilo M. Lacson. Suportado rin ito ng iba pa naming kasamahan sa Senado at nagkakaisa kami upang tulungan ang administrasyon ni Pangulong Duterte na labanan ang korupsiyon.


Ngunit hindi kaya ng gobyerno mag-isa ang laban sa korupsiyon. Kailangan ang pakikiisa ng taumbayan. Bukas palagi ang ating opisina para sa inyong mga hinaing. Nariyan ang 8888 o ang Citizens’ Complaint Hotline para makinig sa inyong reklamo.


Magtulungan tayo. Magagawa nating sugpuin ang red tape at korupsiyon kung magbabayanihan tayo.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page