top of page

Pasok sa serye, sunud-sunod pa ang endorsements… EMAN, NAGPALITSON SA TAPING NILA NI JILLIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 30, 2026



Eman Bacosa Pacquiao - Instagram

Photo: Eman Bacosa Pacquiao - Instagram



Nabasa namin ang tanong ni Gorgy Rula kung sino ang nagma-manage ng earnings ni Eman Bacosa Pacquiao. Milyones na tiyak ang kinita nito sa mga endorsements pa lang dahil halos araw-araw, may endorsement shoot ito.


Lagi rin ang launching ng mga endorsements ni Eman, kaya ang tanong ni Gorgy ay kung sino ang humahawak ng kinikita nito. Siguradong marami pa siyang darating na endorsement, kaya tama ang desisyon nitong mag-focus muna sa boxing at showbiz career niya at saka na ang love life.


Nag-taping na si Eman sa Never Say Die (NSD). Ipinapalabas na ang teaser, kaya any day now, mapapanood na siya sa action series ng GMA-7 na bida sina Jillian Ward at David Licauco. 


Nagpa-lechon daw si Eman Bacosa Pacquiao sa second day ng taping niya na pinagsaluhan ng cast, production staff, at crew.





Obyus na VIP treatment… DINGDONG, MAS FAVE RAW NG GMA-7 KESA KAY MARIAN



NAKAKALOKA ang fan ba ‘yun o basher nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at gusto pang intrigahin ang mag-asawa dahil lang sa promo ng upcoming action series ni Dingdong na The Master Cutter (TMC). Ipinapalabas na ang teaser nito, at du'n nag-react ang fan o basher.


Sabi nito, may special treatment daw ang GMA Network kay Dingdong dahil kahit May pa ang airing ng bago nitong action series, sinimulan na ang promo ng TMC, unlike sa series ni Marian na My Guardian Angel (MGA) na ang pilot date raw ay the day after Easter na karamihan sa mga tao ay nasa bakasyon o kaya’y pabalik pa lang mula sa bakasyon.


Kulang din daw si Marian sa TV guesting to promote her series, no mall shows, kumpara kay Dingdong na tiyak daw may mall shows at baka may provincial promo pang naka-schedule. 


Mas favorite raw si Dingdong ng network kaysa kay Marian at pati ibinibigay na project kay Marian ay ibang-iba sa mga projects ni Dingdong.


Siguradong may magandang paliwanag ang GMA at GMA Drama Group sa pag-call-out sa kanila ng isang Kapuso viewer, lalo na sa isyu na mas favorite nila si Dingdong kaysa kay Marian.


And speaking of Dingdong, ini-repost nito ang Facebook (FB) post ng Reporter’s Notebook (RN) tungkol sa documentary na ang nakalagay ay, “GMA Public Affairs’ documentary special Broken Roads, Broken Promises hosted by Dingdong Dantes has earned a spot on the shortlist of the New York Festivals TV & Film Awards 2026.


“The entry will advance to the second round of judging, with winners scheduled to be announced in April 2026.”


This early, marami na ang nagko-congratulate kay Dingdong Dantes for a job well done. Maaalalang bumiyahe pa siya pa-Samar para mag-interview at ipakita ang mga unfinished projects doon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).





IN fairness, wala pang KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang nagrereklamo na ang next movie ni Paulo ay si Nadine Lustre ang kapareha.


Nagsu-shooting ngayon sa France ang dalawa sa movie na hindi pa nababanggit ang title. Si Antoinette Jadaone raw ang director ng project.


As for Nadine, matagal na siyang walang ka-love team. Puwede siyang ipareha kahit kanino at walang fans na nagmamaktol at nagrereklamo. Kaya rin ni Nadine na walang leading man at ilang beses na niya itong napatunayan.


Dahil nasa France si Paulo, si Kim ang nagpaliwanag sa pagbabago ng time slot ng series nila ni Paulo na The Alibi (TA). Ilalagay sa second time slot ang series kapag airing na ang action series nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson na Blood vs. Duty (BVD).


Ang linaw ng paliwanag ni Kim. Alam daw nila na sa 3rd slot sila at hindi ito isyu sa kanila ni Paulo. 


“Everything is going according to plan, and everything is under control. Thank you for your love, patience, and nonstop support,” sabi ni Kim.


Pero may tanong pa rin ang mga fans kung bakit siya ang nagpaliwanag, bakit hindi ang ABS-CBN at Dreamscape. Puwedeng sagot dito ay dahil kay Kim Chiu nagsusumbong at nagrereklamo ang mga fans nila ni Paulo Avelino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page