Pasok sa mga Best Dressed ng Vogue… HEART, KA-LEVEL NA SI RIHANNA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 9, 2022

Hindi na nga talaga nagpapahuli ang pangalang Heart Evangelista sa mga sikat na fashionista sa buong mundo.
Kahanay na ang kanyang name sa mga sikat na fashion icons sa ibang bansa.
Sa Vogue Singapore magazine, isa si Heart sa mga nasa listahan ng "Best Dressed Fashion Icons" sa Paris Fashion Week.
Sixteen fashion icons ang nakaagaw ng pansin ng Vogue Singapore na inilathala nila sa kanilang magazine na inilabas nitong Sunday.
Kamakailan lang din ay kasamang rumampa ni Heart sa Dior Winter-Autumn Show ang isa sa Blackpink members na si Jin Soo kung saan nagkapareho pa ang kanilang kasuotan na hindi naman nag-usap.
Ang iba pang may mga names na fashion icons na kasama ni Heart sa Vogue Singapore ay sina Rihanna, Chiara and Valentina Ferragni, Alexa Chung, Victoria and Romeo Beckham, Mark Tuan and Ursula Corbero, Lila Moss, Anya Taylor-Joy, among others.





Comments