top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pasok na sa PTV-4… WILLIE, GAME BANGGAIN ANG EAT, EAT BULAGA AT IT'S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 14, 2023




Kumpirmado na ang balitang tinanggap na ni Willie Revillame ang offer ng PTV-4 at dito na mapapanood ang kanyang show. Tiyak na sisigla at mapapalakas ng Wowowin host ang government TV station.


Ang hiling lang daw ni Willie ay ilagay ang kanyang show sa noontime slot ng PTV-4. At mukhang handa na siyang makipagsalpukan sa E.A.T. ng TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon), Eat… Bulaga! at It’s Showtime.


Malaking challenge ito para kay Willie. Dito niya masusubok kung may karisma pa siya sa mga manonood at kung naririyan pa rin ang libu-libong viewers and supporters noon ng Wowowin.


Papatok pa ba ang kanyang mga pa-contest tulad ng Hep, Hep, Hooray! at may magic pa ba ang kanyang mga jackets na ipinamimigay?!


‘Yun ang aabangan ng lahat at magandang labanan ‘yan ng mga noontime shows.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page