top of page

Pasay City Racing Fest abangan sa MMTCI, Malvar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 16, 2020
  • 2 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 16, 2020



Hahataw ang ikapitong Pasay The Travel Racing Festival sa Linggo sa Disyembre 20 sa Metro Manila Turf Club Inc., (MMTCI) sa Malvar, Batangas.


Magiging kapana-panabik ang tagpo at inaabangan ng Bayang Karerista ang salpukan sa racing festival na nabanggit. Ang nabanggit na pakarera na ginaganap taun-taon ay maituturing na pangunahing tourism gateway ng Pilipinas sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.


Ang buong araw na horseracing festival na ito ay may apat na major races kabilang ang 7th PASAY ‘The Travel City’ Cup na nilalahukan ng imported at local entries.


Nanalo rito noong isang taon ang local runner na Summer Romance na pag-aari ni Atty. Narciso Morales. Ang tatlo pang major races dito ay ang 7th Pasay City Representative Tony Calixto Cup, ang 7th Pasay City Emi Calixto-Rubiano Cup, at ang 6th Pasay City Former OIC Eduardo ‘Duay’ Calixto Memorial Cup.


Bukod sa apat na major races ay itatampok din sa racing festival na bahagi na ng founding anniversary ng Pasay City ang 11 iba pang Trophy Races kung saan aabot sa mahigit P2- milyon ang kabuuang papremyo ng racing festival. Tinitiyak ng MMTCI na ipapatupad nito ang mga kaukulang health protocol na alinsunod sa patakaran ng gobyerno.


Narito ang mga nagsipagwagi sa Pasay ‘The Travel City’ Cup na nagsimula noong 2014, ang local-born runner na La Peregrina na pag-aari ng Jade Bros Farm of Manny Santos na sinakyan ni Chris Garganta.


Sumunod ang apat na nanalo sa karerang ito ay pawang mga imported na kabayo na sina Silver Sword (jockey John Paolo Guce – owner HF Gianan Jr.) noong 2015; Sakima noong 2016, Atomicseventynine noong 2017; at Tin Drum 2018 at ang 2019 winner na Summer Romance.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page