Pasaway na taxi driver, bawian agad ng lisensya para 'di na pamarisan
- BULGAR
- Dec 23, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 23, 2023
MATUTULAD SA ABS-CBN ANG KAPALARAN NG SMNI NETWORK -- Sinuspinde ng 30 days o isang buwan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang SMNI network na pag-aari ng sekta ni Pastor Apollo Quiboloy dahil umano sa pagpapalaganap ng fake news at red-tagging.
Dahil sa naging aksyon na ‘yan ng NTC, asahan nang matutulad ang SMNI network sa naging kapalaran ng ABS-CBN network na pina-shutdown ng gobyerno, period!
◘◘◘
WALA NAMANG PUMAPASOK NA FOREIGN INVESTORS SA ‘PINAS, KAYA IMPOSIBLE ANG SURVEY NG SWS NA KAUNTI NA LANG DAW ANG JOBLESS SA BANSA -- Maituturing na fake news ang inilabas na survey ng SWS na 7.9 milyong Pinoy na lang daw ang jobless o walang trabaho sa bansa.
Imposible ang survey na ito kasi mula nang maupong pangulo si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay wala namang pumapasok na mga foreign investor sa Pilipinas, kaya kalokohan talaga ang survey ng SWS na konti na lang daw ang jobless na parang pinalalabas na marami ng nagkakaroon ng trabaho sa ‘Pinas kahit wala namang nagtatayo ng dagdag na kumpanya sa bansa, boom!
◘◘◘
MAY IBUBUGA PA RIN ANG PDP-LABAN NI EX-P-DUTERTE -- Sangkaterbang mga pulitiko, dating pulitiko at dating mga government officials ang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng partidong PDP-Laban na pinamumunuan ni ex-P-Duterte.
Ibig sabihin n’yan, kahit maraming kongresista ang kumalas na sa PDP-Laban, ipinakikita ni ex-P-Duterte na palaban at may ibubuga pa rin ang kanyang pinamumunuang partido, period!
◘◘◘
MGA TAXI DRIVER NA NANGONGONTRATA AT NAMIMILI NG PASAHERO, KANSELAHIN ANG MGA LISENSYA PARA ‘DI NA PAMARISAN -- Ilang taxi driver ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa pangongontrata at pamimili ng pasahero ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Dapat sa mga taxi driver na nahuli ay kanselahin na ng LTO ang kanilang mga lisensya para hindi na sila pamarisan ng iba pang taxi drivers, boom!





Comments