Pasahero, may dalang $580,000 at P1.2M cash, naharang sa NAIA
- BULGAR

- Jun 27
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | June 27, 2025

Photo File: Bureau of Customs
Naharang ng mga tauhan ng Airport Police ang isang lalaking pasahero na papaalis patungong Hong Kong na may dalang malaking halaga na pera sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa final security checkpoint, nakita sa luggage ng pasahero ang cash kaya't isinagawa ang manual inspection kung saan tumambad ang perang aabot sa P1.2 million at 580,000 US dollars.
Ang pasahero at nakumpiskang pera ay nasa kustodiya na ng Bureau of Customs para sa karagdagang imbestigasyon.








Comments