Pasabog sa b-day ng aktres… SARAH, INILANTAD NA ANG AFAM NA IPINALIT KAY RICHARD

ni Nitz Miralles @Bida | October 10, 2026

Photo: IG _gmanetwork / The Master Cutter
Naniniwala ang mga fans na handa na si Sarah Lahbati na ipakita at ipakilala na rin ang sinasabing ‘new man’ in her life. Foreigner-looking ang guy na parang itinapat sa birthday kahapon ng aktres-singer ang hard launch.
Three photos ng guy ang ipinost ni Sarah, sa isa ay magkatabi silang nakatayo. May larawan sa birthday ng aktres na nakayakap siya sa guy, at may isa pang photo na nasa dagat ang dalawa at kita ang saya.
Naniniwala ang mga fans na right time na for Sarah na magmahal dahil matagal naman na silang hiwalay ni Richard Gutierrez.
Saka ang aktor, masaya na sa piling ni Barbie Imperial, na matagal-tagal na rin niyang karelasyon.
And speaking of Sarah, showing na sa October 28, 2026 ang VHS movie niya sa Viva Films. Kasama niya rito sina Kit Thompson, McCoy de Leon, at Ella Cruz. Si Darryl Yap ang director nito.
Magkakaiyakan kapag pinanood ang Remember, ang pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Teaser pa lang kasi, nakakaiyak na at lalo kang luluha kapag binasa ang synopsis ng movie ni Direk Mae Cruz-Alviar.
Nakasulat ang “May mga bagay na bumabalik sa ‘tin ‘pag handa na tayong makita ulit sila.
“Kaya may mga bumabalik sa big screen para sa isang kuwentong magpapaalala sa atin ng tunay na mahalaga.
“Experience the magic of Dingdong Dantes and Marian Rivera, together once again in a new and exciting film by Mae Cruz-Alviar, DGPI.
“REMEMBER. An estranged couple who have forgotten what it means to love each other find themselves pretending to be together again for the sake of their daughter, whose memory is fading.
As they remember their past, they learn that love has a long memory. All it sometimes needs is one miracle to remember.”
May mga nag-comment na handa na silang umiyak ulit. May nagsabi pa na magbabaon siya ng maraming tissue. May kunwaring nagreklamo na paiiyakin na naman sila ng DongYan at ng Star Cinema.
Samantala, marami naman ang nakapansin na naging kahawig ni Marian, sa kanyang short hairdo, si Lorna Tolentino. May nagbanggit ng pangalan ni Sharon Cuneta. May naniwala naman na kahawig niya ang South Korean actress na si Song Hye-kyo.
May nagbigay naman ng info na sa Old Quebec sa Canada ang location at ang ganda ng lugar. Bagay daw sa story ang location at marami pala ang may paboritong city na ito.
Hindi lang si Julia Barretto ang may photo kasama ang mga car racers sa ginanap na F1 Singapore Grand Prix 2026. Pati si Dominic Roque, may photo rin kasama si Charles Leclerc. Ang pinaka-highlight ng exposure nito, naglaro siya ng sipa habang nakatingin ang mga car racers.
Nakakatuwang pagmasdan si Dominic na naglalaro ng sipa habang nakatingin ang mga car racers. Sayang at walang nakipaglaro sa kanya.
Kabilang si Dominic sa mga inimbitahan ng Puma na manood ng Singapore Grand Prix 2026.
Ang daming Filipino car enthusiasts ang nainggit sa aktor, gaya nina Angie Mead King at Aubrey Miles. Masuwerte raw sina Dominic at Julia na naka-rubbing elbows ang mga sikat na car racers.





Comments