top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasabog sa b-day ng aktres… DOMINIC, TAOB LAHAT NG EX-BF NI BEA SA BONGGANG REGALO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 19, 2022



Napakasuwerte naman ng Kapuso actress na si Bea Alonzo dahil bumaha ang mga regalo sa kanya noong mag-celebrate siya ng kanyang 35th birthday last Oct. 17.


Nagpadala ng birthday gift ang lahat halos ng kanyang mga endorsements at sponsors.


Sandamakmak na imported flowers ang kanyang natanggap.


Maging sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay nagpadala rin ng kanilang regalo.


Pero wala nang makadadaig pa sa pabolosong birthday gift ni Dominic Roque kay Bea. Bukod sa napakalaking bouquet of red roses, meron pang inihanda si Dominic na 3-part travel vlog na magkasama sila ng GF.


At talagang kinilig sa tuwa ang kanilang mga tagahanga. Nagkakaisa ang mga fans sa pagsasabing sa lahat daw ng naging BF ni Bea, si Dominic ang pinaka-deserving, pinaka- generous, pinaka-romantic at mapagmahal.


Si Dominic ang soulmate at knight in shining armour ng kanilang idolong aktres.


Kaya naman ang wish ng mga fans ni Bea Alonzo ay makasal na sila ni Dominic upang hindi na magkahiwalay pa. After all, pareho na silang nasa marrying age at dapat nang bumuo ng kanilang pamilya.


For sure, ang birthday celebration ngayon ni Bea ang pinaka-memorable sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page