Todo-gimik para mai-promote… ANDREA, AGREE SA MGA BASHERS NA WALANG KUWENTA ANG KANTA NIYA
- BULGAR

- 25 minutes ago
- 4 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 12, 2026

Photo: Andrea Brillantes / Instagram
Pansamantalang iniwan ni Andrea Brillantes ang Instagram (IG) account niya at nag-open ng bagong IG account gamit ang kanyang real name na Ramona.
Musical alter ego raw nito ang nasabing name para sa release ng single niyang GAGA. Kung sa isa at original niyang IG ay nakasulat sa profile ang ‘artist’, sa IG under Ramona, nakasulat sa profile ang ‘musician/band’. Ibig daw bang sabihin nito, seryoso at tuluy-tuloy na ang pagiging recording artist ni Andrea?
Hataw agad ang single ni Andrea, marami ang na-LSS (last song syndrome), may naiyak dahil naalala ang bashing na dinanas ng aktres noon at hanggang ngayon.
Tungkol sa mga bashers ang tema ng song. Na-bash pa nga ito nang malamang PR stunt lang ang pagkaka-hack ng kanyang IG account para i-promote ang kanyang single at sinagot sila ni Andrea.
Aniya, “For the people saying walang substance at walang kuwenta ‘yung kanta, I actually agree with you! Because around 80% of the lyrics I wrote were just the same non-substantial things people have been saying about her for years.
“Gaga is supposed to annoy haters, because it was made for you. Sa mga nagsabi na ‘‘Yun na ‘yun?’ ‘Akala ko ba hacked?’ ‘Baduy,’ maybe it feels underwhelming kasi may hinihintay talaga kayo.
“Leaked conversation. Chismis. Konting scandal. Konting downfall ni Andrea Brillantes. Napaghahalataan ang ugali ng iba r’yan.
“I had a great time interacting with you guys for a while. Sa mga nagsasabing ‘baduy,’ ‘anti-climactic’ or ‘PR stunt lang ‘to,’ maybe you just didn’t get the point. I, Ramona, did hack Andrea’s account. But ibabalik ko na rin, kasi alam ko naman miss n’yo na s’ya.”
Talking about Gaga, sabi ni Andrea, “Four years ago this was just something I recorded and wrote as a form of release. Now it’s finally out.
“Maraming salamat sa inyong lahat. At salamat din kay self, kasi finally nailabas ko rin siya. Akala ko, mabubulok na lang ’yan.”
Proud ang mga fans ni Andrea para sa kanya at suportado nila ang release ng Gaga. Kahit EP o album daw ang gawin niya, susuportahan pa rin nila.
Samantala, naglabas na ang TV5 ng teaser-trailer ng series nilang A Secret In Prague (ASIP) na bida sina Andrea at Enrique Gil at kasama sa primetime block ng network. First time na magtatambal ang dalawa sa series at isa ito sa mga nagpapa-excite sa mga fans.
HINDI lang pala ang SM Cinemas ang nagbaba ng ticket prices para sa showing ng A Special Memory (ASM) nina Bela Padilla at Carlo Aquino. In fact, mas binabaan pa nga ng ibang cinemas ang P275 at P230 ticket price ng SM Cinemas sa Metro Manila (MM) at outside MM.
Ang Robinsons Movieworld, 45 percent off ang tiket sa selected cinemas. Sa Robinsons Galleria, P154 ang tiket at mas mababa pa sa ibang cinemas. Ang pinakamura nga ay P127.
Hindi nagpahuli ang Megaworld with their P170 and P150 ticket prices at P150 naman sa selected Ayala Malls cinemas.
Kaya tuwang-tuwa si Bela at nagpasalamat.
Aniya, “And yes, we heard you! Thank you to the cinema exhibitors for lowering the ticket prices for A Special Memory.”
May nag-comment tuloy na puwede naman palang ibaba ang tiket sa mga sinehan, bakit hindi gawin? Sana raw, hindi lang sa mga selected cinemas, kundi nationwide na para bumalik sa panonood sa sinehan ang mga tao.
Isa pa pala sa mga ipinagpapasalamat ni Bela ay ang magandang review ng moviegoers sa movie nila ni Carlo. Kahit daw sobrang mapanakit, worth it ang mga luha nila, ang pagtulo ng sipon at pamumula ng mga mata sa ganda ng pelikula ni Direk Jerry Lopez Sineneng.
Top-notch daw talaga ang chemistry nila ni Carlo, pero hindi ba raw puwedeng ang next movie nila ay may happy ending for a change?
Showing sa 200 cinemas ang nasabing pelikula and hopefully, madagdagan pa sa mga susunod na araw. Sana talaga, sipagin na ang mga tao na manood sa mga sinehan para sumigla uli ang ating film industry.
Noon si Andrea, ngayon si Juliana…
MADLANG PIPOL, TAKANG-TAKA KUNG BAKIT NAHUHUMALING ANG MGA BABAE KAY RICCI
NAIINIS ang mga netizens, bakit daw hindi nagpo-post ng photos nila na magkasama sina Juliana Gomez at Ricci Rivero. Puro kuha ng mga fans ang lumalabas, hindi raw tuloy sila makapag-comment.
Tsinek nga namin ang Instagram (IG) nina Juliana at Ricci at wala kaming makitang photos nilang dalawa. Low-key ang relasyon nila at umiiwas siguro sa mga bashers na walang magandang sinasabi at nakikita.
Huling nakitang magkasama sina Juliana at Ricci sa Lubao International Balloon and Music Festival na ginawa sa Pradera Verde, Lubao, Pampanga. Sa photos na lumabas, obvious na in love sa isa’t isa ang dalawa. Kahit nagpe-perform ang Parokya ni Edgar (PNE), naka-focus sila sa isa’t isa.
Nakinig sila sa Parokya ni Edgar, pero mas madalas siguro ang kanilang pag-uusap at titigan with matching smile. Katabi nila si Maja Salvador na nag-e-enjoy sa PNE at naki-sing-along pa.
Sabi sa comment, magka-holding hands daw sina Juliana at Ricci habang nanonood, hindi lang malinaw sa larawan.
Samantala, ‘kaaliw naman ang mga comments na karamihan ay patungkol kay Ricci. Sweet daw ito kay Juliana at bagay sila. May nagtanong kung bakit kinahuhumalingan ng mga babae si Ricci.
In fairness, hindi nabanggit sa mga nagko-comment kay Ricci Rivero ang past relationship nila ni Andrea Brillantes. Focused daw sila kay Juliana Gomez ngayon at tututukan nila ang love story ng dalawa at kung magkakaroon ng happy ending.



Comments