top of page

Parusa sa krimeng Perjury

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 12, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Anu-ano ba ang mga rekisito sa krimeng Perjury? Maraming salamat. — Hellan



Dear Hellan, 


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga kaugnay na kaso ng Korte Suprema at probisyon ng ating batas, espesipiko ang Artikulo 183 ng Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na “Revised Penal Code,” na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 11594. Ang batas na ito ay tumukoy at nagbigay kaparusahan sa krimeng tinatawag na Perjury:


“Article 183. False testimony in other cases and perjury in solemn affirmation. -- The penalty of prision mayor in its minimum shall be imposed upon any person who, knowingly making untruthful statements and not being included in the provisions of the next preceding articles, shall testify under oath, or make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires.


Any person who, in case of a solemn affirmation made in lieu of an oath, shall commit any of the falsehoods mentioned in this and the three preceding articles of this section, shall suffer the respective penalties provided therein.” 


Kaugnay sa nabanggit na probisyon ng batas, muling binahagi ng Korte Suprema sa kasong Saulo vs. People (G.R. No. 242900, 08 June 2020), sa panulat ni Honorable Associate Justice Jose C. Reyes, Jr., ang mga rekisito ng krimeng Perjury:


The elements of perjury under Article 183 of the Revised Penal Code (RPC) are (a) that the accused made a statement under oath or executed an affidavit upon a material matter; (b) that the statement or affidavit was made before a competent officer, authorized to receive and administer oath; (c) that in the statement or affidavit, the accused made a willful and deliberate assertion of a falsehood; and (d) that the sworn statement or affidavit containing the falsity is required by law or made for a legal purpose.”


Hinggil sa nabanggit, ang mga rekisito ng krimeng Perjury sa ilalim ng Artikulo 183 ng Revised Penal Code, as amended, ay ang mga sumusunod: (a) ang akusado ay gumawa ng pahayag sa ilalim ng panunumpa o nagsagawa ng affidavit sa isang materyal na bagay; (b) ang pahayag o affidavit ay ginawa sa harap ng isang karampatang opisyal, na awtorisadong tumanggap at mangasiwa ng panunumpa; (c) sa  kanyang pahayag o affidavit, ang akusado ay gumawa ng kusa at sadyang paggigiit ng isang kasinungalingan; at (d) ang sinumpaang pahayag o affidavit na naglalaman ng kasinungalingan ay kinakailangan ng batas o ginawa para sa isang legal na layunin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page