Party, sagot ng GF… BEA AT DOMINIC, TODO-TUKAAN AT YAKAPAN SA B-DAY NG AKTOR
ni Nitz Miralles - @Bida | July 22, 2022

Binigyan ng surprise birthday party ni Bea Alonzo ang boyfriend na si Dominic Roque na nag-celebrate ng 32nd birthday noong July 20.
Sa mga photos, nakita naming sa Raffles Makati Hotel ginawa ang birthday party na dinaluhan ng mga kaibigan nina Bea at Dominic.
Super sweet ang dalawa sa birthday party ni Dominic at sa video, ilang beses silang nag-kiss at marami ring yakapan. Minsan, si Bea ang nangunguna sa pagkanta ng Happy Birthday.
Binati ni Bea si Dominic ng “Happy birthday, my love. I love it when you smile like this, and I’d gladly put a smile on your face every day. I’m so blessed by how kind and understanding you are.
Thanks for making my heart happy. I love you @dominicroque.”
Sinagot ni Dominic si Bea ng “I love you hun, thank you for the surprise b-day party!”
Feel mong marami ang masaya para sa dalawa sa dami ng bumati kay Dominic na ang kasunod ay wish na magpakasal na sila.





Comments