top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Party-party, ang saya lang daw… RICA, AMINADONG CONCERT LANG ANG HABOL NG MGA TAO SA RALLY NI LENI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 24, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 24, 2022




Isa si Rica Peralejo sa mga aktres na nakakatanggap din ng pamba-bash ngayon dahil na rin sa kanyang sinusuportahang presidentiable.


As we all know ay isang certified KakamPink (tawag sa mga supporters ni Vice-President Leni Robredo) si Rica at makikita naman ito sa kanyang mga posts sa social media.

Pero siyempre, hindi ito gusto ng mga kalaban ni VP Leni kaya naman bina-bash nila si Rica.


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rica ng mga larawan niya kasama ng iba pang KakamPink stars tulad ng mga kaibigan niyang sina Jolina Magdangal at Nikki Valdez.


“Ang rally ni Ma'm talaga ay parang isang malaking reunion. Hindi ito magulo, marahas o mapanira. Mapagmahal lang talaga at radikal.


“Ang saya talaga ng feeling 'pag 'andu'n ka, parang isa kasing malaking party! Ang mga rally din ni Ma'm ay puno ng artists, creatives, students, and many, many more. At yes, hindi kami bayad,” ang simula ng caption ni Rica.


Kasunod nito ay sinagot niya ang intrigang concert lang ang dahilan kaya tinatao ang mga campaign rallies ni VP Leni.


“May nagsasabing concert lang naman talaga ang ipinupunta ng tao sa rally at kung totoo man 'yun, EH, ANO NGAYON? Eh, kaya nga nangangampanya para makakumbinse ng 'di pa desidido. Maigi nang makahikayat ng marami pang taong hindi nakakakilala kay Leni-Kiko. Sa huli, if ito ang rason ng pumunta, panalo pa rin kami!” aniya.


Depensa pa niya, “Ngunit 'pag nakita n'yo ang mga rally, makikita n'yo talagang si Ma'm ang inaabangan ng karamihan. Iba rin talaga siya bilang inspirasyon. She inspires action kasi. She makes you want to come out of your comfort zone."


Bilang KakamPink, ipinahayag din ni Rica kung gaano siya kabilib kay VP Leni.

“Kaya ito na lang ang masasabi ko: 'Di pa nananalo si Ma'm sa lagay na ito, eh, nag-uumapaw na ang volunteers. Sa totoo lang, ang problema na ngayon sa mga rallies ay paano paiksiin ang programa kasi 'pag isinama lahat ng influential people na gustong mag-endorse kay Ma'm, eh, baka overnight na tayo abutin.


“So ayun, isipin n'yo na lang 'yung implication na kapag siya ang nanalo, gaano karami pang taong kikilos para tulungan ang mga proyekto at adhikain ni Ma'm, 'di ba?


“Ganu'n kasi siya. She has the gift not only of gathering people, but of mobilizing them. She's able to put the right people together and also set things in motion. She is the true movement — a diverse set of people groups coming together to support her cause,” pahayag ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page