Partner, 'di lang empleyado, Mayor Bullet… TVJ, JACKPOT SA TV5
- BULGAR
- Jun 22, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 22, 2023

Ang akala ng maraming entertainment press na dumalo sa Media Day ng TVJ with the Legit Dabarkads ay may big announcement na magaganap para sa magiging titulo ng bagong noontime show nila sa TV5.
In full attendance na dumating sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon kasama ang mga legit Dabarkads na binubuo nina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K., Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at ng Bida Next winner na si Carren Eistrup.
Nandu'n din si Manny V. Pangilinan at ang iba pang big boss ng MediaQuest, pati na rin ang mga top executives ng Kapatid Network.
Marami ang naghintay kung ibabahagi na ng TVJ sa entertainment press ang kanilang magiging bagong title para sa noontime show nila sa TV5, pero tanging mga ‘clues’ lang ang iniwan ng tatlong veteran hosts.
Ayon na rin kay Chairman MVP, ang bagong noontime show ng TVJ ay joint venture ng TVJ Productions at TV5. Partners sila as producers, bale 51% at 49% ang sharing nila rito.
Ang TVJ Productions ay binubuo nina Tito, Vic at Joey. Bilang co-producers ng
kanilang noontime show, merong ‘say’ ang tatlo sa magiging mga contents ng programa.
One thing is for sure, matatag at hindi maaagrabyado ang TVJ sa kanilang joint venture with TV5 at magaan na sa loob nila ang pagiging bahagi ng Kapatid Network kaya masuwerte talaga ang tatlo sa kanilang bagong tahanan.





Comments