top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Partner daw sila sa show, `di lang empleyado… BOSSING VIC KAY MVP: 'YAN ANG BOSS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 21, 2023
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 21, 2023




Well-attended ng mga Kapatid, mula sa may-ari ng network na si Mr. Manny V. Pangilinan, down to the executives ng TV5 at mga employees, ang ginanap na mediacon kahapon sa TV5 Studio sa Mandaluyong para sa mag-uumpisa nang noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon a.k.a. TVJ at ng Dabarkads sa July 1.


Napakainit ng pag-welcome ng mga bossing ng TV5 sa grupo ng original Eat… Bulaga!.


Tiyak na sobrang touched ang TVJ at mga Dabarkads dahil sa hallway pa lang papasok sa studio, bumulaga na sa mga dumadaan ang naglalakihang portrait or picture nina Tito Sen, Bossing Vic, Joey, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K., Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Bida Next Champion Carren Eistrup, and of course, si Maine Mendoza.


Hindi tuloy maiwasang maging emosyonal nina Joey at Vic na ilang beses naiyak habang pinasasalamatan si MVP sa pagbubukas nito ng pintuan ng TV5 para sa kanila.


Naiiyak na sabi ni Vic, "Si MVP, 'yan ang boss!" dahil ngayong nasa TV5 na sila, hindi lang daw sila kinokonsidera bilang "empleyado" kundi "partner" na magpapatuloy ng legacy ng Eat… Bulaga!, na siya ngang ipinaglalaban nilang magamit na title ng kanilang show sa TV5, since si Joey naman daw talaga ang creator nito.


Pero aminado rin ang TVJ na hanggang sa ngayon, inaayos pa nila ang legal matters kaugnay ng paggamit ng title ng Eat… Bulaga!, kaya nga until July 1, du'n pa lang natin talaga malalaman kung ano'ng magiging title ng show ng TVJ with the Dabarkads sa TV5.


Tinanong namin kahapon sina Tito, Vic & Joey kung may Plan B ba sila kung saka-sakaling hindi talaga sila i-allow na magamit ang EB! dahil ang mga Jalosjos ng TAPE, Inc. nga raw ang nagpa-copyright nito.


Itutuloy pa ba nila ang kanilang show at paaabutin din ng 50 yrs. tulad ng pangarap nilang maabot ang golden year ng Eat Bulaga! para maging longest-running noontime show sa buong mundo?


Sagot ni Tito Sen, "Right now, it is already the longest-running television show in the world.


Maghanap na kayo ng ano'ng TV show na... na for 44 years , ha? Pero, yes, you are right.


We're working on and continuing with that and also, whether Eat... Bulaga! or E.A.T which can stand for "Eto Ang Totoo," whatever name it is, kami 'yun, eh. So, whatever it is, we will strive to have it continue even past gold... past 50. Pero, 'yun ang panaginip naming tatlo talaga, eh, makarating ng 50."


Mangiyak-ngiyak namang sabi ni Bossing Vic, "Basta kahit ano'ng mangyari, Eat... Bulaga! pa rin kami, eh. You can just imagine that after 44 years... minahal mo. Ako, more than half of my life ay nasa Eat... Bulaga!, 'pagka-absent ako sa EB!, parang may kulang sa buhay ko.




Tapos, kukunin lang ng kung sinu-sino? Aba, hindi puwede. Hindi papayag si MVP," na may halong biro pa rin.


Sabi naman ni Joey, "Nu'ng nagkagulo, ang una kong sinabi kay Tito, 'Di ka ba natatawa, Tito?


Kung kailan tayo tumanda, du'n tayo pinag-usapan, 'di ba? Nakakaaliw, eh. Kaya halu-halo 'yung pakiramdam ko, eh. Pero, totoo 'yun, talagang gusto ko nang dumami 'yung istasyon para maging record at ano, eh... Ako nga ang nakaisip nu'n sa kusina pa ni Tito Sotto, eh, du'n ko naisip, eh.


Ngayon, tinatanong n'yo 'yung title, puwede ring ano, eh, ibalik ko talaga sa original 'yung 'IT', IT Bulaga!"


Hindi naman sinagot ng tatlo kung ilang taon ang pinirmahan nilang kontrata sa TV5, pero biro ni Bossing Vic, kahit daw 500 yrs.


Samantala, naitanong din namin ang reaksiyon nila sa isyung na-bump-off ang It's Showtime sa TV5 dahil sa pagpasok ng TVJ.


Hindi agree si Tito Sen. sa word na "na-bump-off" dahil hanggang June 30 lang naman daw talaga ang kontrata ng It's Showtime sa TV5.


Paliwanag naman ni TV5 President Ms. Jane Basas, nag-offer sila sa It's Showtime ng ibang timeslot (4:30 PM) dahil feeling nila ay magkiklik ang show sa ganu'ng oras dahil mga millennial ang viewers nila, pero hindi nga 'yun tinanggap ng pamunuan ng Kapamilya show, and instead ay lumipat na sa GTV.


Sey naman ni MVP, "Hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS-CBN," at hindi rin daw sila namimili ng pinapaborang content provider. Ang gusto lang nila ay 'yung mapasaya ang mga Pilipino.


Isa ring nilinaw ng TVJ sa one-on-one interview naman namin sa kanila after ng mediacon ay wala silang sama ng loob sa GMA-7 sa kabila ng biglaang pagkawala nila sa TAPE, Inc. at 'di pag-ere ng Eat… Bulaga nu'ng May 31.

Ani Joey, "Wala, walang sama ng loob," sabay dugtong na anumang naramdaman nila ay nailuha na niya.


Makahulugan lang niyang one-liner, "Nasa kanila 'yun, 'di naman sa amin ang guilt."


Anyway, sa July 1 (Sabado), 11:30 am to 2:30 pm na nga ang simula ng pagbabalik ng TVJ sa pananghalian kasama ang mga Dabarkads. At kung ano'ng gagamitin nilang title ng show, sabay-sabay nating alamin sa araw na 'yun.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page