- BULGAR
Parents ni Mayor Vico… CONEY AT VIC, NAGYAKAPAN ULI SA EAT BULAGA!
ni Nitz Miralles - @Bida | July 31, 2022

Nagulat at natuwa ang mga viewers ng Eat… Bulaga! kahapon nang biglang ipakilala at lumabas si Coney Reyes.
Ang ganda ng mga eksena mula nang bigyan ng bouquet of flowers si Coney hanggang sa nagyakap sila ni Vic Sotto bilang pagbati. Makikitang masaya ang Dabarkads na nakatingin kina Coney at Vic.
Dumating din si Tito Sotto at nasa studio si Joey de Leon dahil celebration ng 43rd anniversary ng EB! at celebration din ng International Friendship Day.
Friends na sina Vic at Coney and in fact, nagkikita tuwing may special event ang anak nilang si Pasig City Mayor Vico Sotto.