Parehong tumulong sa mga biktima ng baha…

PAMUMUDMOD NI PACQUIAO NG RELIEF GOODS, WALANG CAMERA; ALDEN MAY TV COVERAGE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 28, 2020

Samantala, nagdala rin si Alden Richards ng relief goods sa mga binaha sa Marikina City. Ang iba't ibang grupo ng kanyang fans club ang nagtulung-tulong upang makaipon ng kanilang ipamimigay na relief goods.
May TV coverage ng GMA-7 ang pamimigay ng ayuda ni Alden, pero hindi naman niya layunin ang magpabida. Gusto lang daw niyang makita ng mga nag-donate na sponsors na nakarating ang tulong na kanilang ibinigay sa mga biktima ng baha.
Bukod sa ambag ng mga fans ni Alden, nangako rin ang Pambansang Bae na lahat ng kikitain niya sa kanyang online streaming ay ido-donate niya at itutulong sa mga binaha.
May regular na charity projects si Alden kahit hindi sa panahon ng pandemic. Maaasahan lagi ang kanyang tulong. Maging ang ilan sa kanyang mga kaibigan at co-stars na nangangailangan ay siya pa rin ang nilalapitan kapag gipit at may problemang pampinansiyal.





Comments