top of page

Parehong palaban sa kantahan… JULIA, PANTAPAT NG EB! KAY ANNE NG IT’S SHOWTIME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 2, 2025



Photo File: Julia Barretto sa EB - EB YT



Masaya pero naging emosyonal sina Tito, Vic at Joey, ganoon din ang ibang hosts ng Eat…Bulaga! (EB!) sa kanilang selebrasyon ng 46th anniversary. 


Espesyal ang nasabing pagtatanghal dahil dumating ang mga dating co-hosts ng show na sina Ice Seguerra, Julia Clarete at Jimmy Santos. May kani-kanya silang production number.


At bumalik na rin si Atasha Muhlach na ilang buwan ding hindi napanood, kaya tuwang-tuwa ang mga fans niya. 


Si Julia Barretto naman ay nagpakitang-gilas din at game siyang kumanta at sumayaw. Sinasabayan niya ang effort ng ibang EB! hosts. Si Julia ang pantapat ng EB! kay Anne Curtis ng It’s Showtime (IS).


Well, pangako nina Tito, Vic at Joey sa kanilang mga loyal viewers, na hangga’t kaya nila ay patuloy silang maghahatid ng saya.


Target ng EB! na mag-celebrate pa ng kanilang golden anniversary (50 years), kaya 4 na taon pa silang mapapanood. Ito ang patunay na ang Eat…Bulaga! ang longest-running noontime show sa telebisyon.



TAHIMIK at mahiyain sa personal ang Kapuso actor na si David Licauco. Hindi pa siya sanay na ang bawat kilos niya ay inuusyoso ng lahat. Hindi pa niya ganap na masakyan ang buhay-showbiz, lalo na ngayon na sila ni Barbie Forteza ang paboritong love team ng lahat. 


Kailangan niyang mag-adjust sa mga fans nila ni Barbie, kaya obligado siyang maging sweet sa harap ng mga BarDa fans.


Malaki ang naitulong sa career ni David ng love team. Nagkaroon sila ni Barbie ng malalaking product endorsements. Sila ang hinihiling ng mga fans na magtambal sa serye at pelikula. 


Pero, hanggang ngayon ay hindi pa ganap na nasasanay si David na inuusyoso ng lahat ang kanyang personal na buhay. Napaka-private niyang tao, kaya gusto muna niyang itago sa publiko ang kanyang love life, isang bagay na imposibleng mangyari dahil kasama sa kanyang kasikatan ang kawalan ng privacy.



MARAMI ang nahihiwagaan sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes. Biglaan kasi ang lahat at hindi naibalita na ito ay nagkasakit.


Nakikiusap sa lahat si Rufa Mae at ang pamilya ni Trevor na bigyan muna sila ng privacy habang inaalam ang tunay na nangyari. Magbibigay daw sila ng official statement kapag maayos na ang lahat. 


Ganunpaman, iba’t ibang espekulasyon na ang kumakalat tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Trevor. Balitang may cancer ito at ‘yun ang dahilan ng kanyang pagpanaw. May nagsasabi naman na nagpakamatay dahil hindi nakayanan ang mga personal na problema.


Labis na ikinalungkot ni Rufa Mae Quinto ang pagkamatay ng kanyang estranged husband. Kahit na naghiwalay sila, mahal pa rin niya ito dahil may anak sila.



MARAMI ang nagsasabing malaki ang moral support na ibinigay ni Ashley Ortega kay Shuvee Etrata kaya nakayanan ng huli ang buhay sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house. 


Naging close sina Ashley at Shuvee nang magkasama sa seryeng Heart on Ice (HOI) ng GMA-7. 


Dahil laking-probinsiya si Shuvee, inalalayan ito ni Ashley upang makapag-adjust sa buhay-Maynila.


At maging ang mga personal niyang gamit tulad ng bags at sapatos ay isine-share niya kay Shuvee. 


Sobrang pasasalamat naman ni Shuvee kay Ashley sa mga tulong sa kanya. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid. 


Sey naman ng mga netizens, naging eye-opener kay Ashley ang buhay ni Shuvee Etrata. Sa kabila ng kahirapan na pinagdaanan ay nanatiling matatag at masayahin si Shuvee.


Kinakaya niya ang pagtataguyod sa kanyang mga magulang at kapatid na nasa Cebu. Samantalang si Ashley, sa kabila ng maginhawang buhay ay malayo ang loob sa kanyang ina at namumuhay na mag-isa.


3 Comments


jack owen
jack owen
Sep 15

Writing academic assignments can be a stressful task for many students. Working on the assignment without having adequate knowledge, skills, and time management leads to stress for students. Assignment Help Singapore is in high demand among students. By choosing a reliable service like sg.greatassignmenthelp.com, you can access support from subject experts in the field. They help students throughout the writing process, from research to writing and editing. Having sound knowledge of the subject and the ability to draft papers excellently enable them to support you in preparing quality assignments without stress. With their support, you can improve your mental well-being, which allows you to learn things excellently. Expert guidance helps students to submit top-notch quality assignments within the deadline. It…

Like

abc2737273
Sep 7

Shop the full BJJ Suits collection now and level up your Jiu Jitsu game with Novakik. bjj uniform

Like

maxwellmarco
Aug 2

Originally employed in early medieval England, English is a West Germanic language that has emerged as the main medium of worldwide communication and the universal language in many areas and workplaces, including law, research, and navigation. For the majority of pupils, English homework help online is a good choice. Asking a query at any moment will result in response in a matter of seconds, and you may pick it up if something doesn't make explanation. Uploading pictures of your assignments or written content to makes it simple to connect with the bot and discuss similar issues. When taking online courses as an adult learner, you may require assistance in maintaining focus and improving your comprehension of the course content. Don't be…


Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page