Parehong malapit kay Sharon... TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG
- BULGAR

- 1h
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 26, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Naglabas na si Sharon Cuneta ng kanyang saloobin sa naganap na brouhaha (malaking gulo) sa Senado kamakailan.
It’s common knowledge na dalawa sa mga taong malalapit sa puso niya ang nasa Senado — ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at si dating Senate President (SP) Tito Sotto. Nagpakita si Mega ng kanyang all-out support para sa kanila.
Medyo natagalan din bago binasag ni Mega ang kanyang pananahimik sa pagkaladkad ng mga isyu sa Senado sa kanyang mister at tiyuhin. Alam n’yo naman ang mga netizens sa socmed (social media), laging atat na makakuha agad ng reaksiyon sa mga taong involved sa current issues.
Katunayan, ang dami nang nagkalat na memes sa socmed (social media) tungkol kay Sen. Kiko na ‘nasigawan’ umano niya ang dating leading man ni Mega na si Robin Padilla.
Sa kanyang latest Instagram (IG) post ay ishinare ni Sharon ang picture niya kasama sina Kiko at Tito. May background music pa itong Piliin Mo Ang Pilipinas.
Sa picture ay may nakasulat ding quote mula kay Laurence Overmire na American poet-author na nagsasabing: “To be on the right side of history is to advocate for the rights and well-being of all people.”
Masasabing ito na nga ang paninindigan ni Sharon sa usaping pulitika sa bansa ngayon.
Sinuportahan naman si Mega ng kanyang mga IG followers sa kanyang deklarasyon:
“Count me in, Ma’am (Sharon), para sa maayos na gobyerno.”
“Count us, Ms. Sharon. Nananatiling titindig para sa tama at pagbabago. God bless you, Tito Sen at Sen. Kiko (green heart emojis).”
May humihirit din ng Tito for president and Kiko for vice tandem sa susunod na halalan.
Una na sa mga nag-post ng comment ang singer na si Kuh Ledesma.
Sey ni Kuh, “Amen! Tito Sotto for president and Kiko for vice!”
Tanong naman ng isang netizen, “Would they be a duo for candidacy in 2028? Just curious (searching emoji).”
Sabeee?
Kasal kay Vincent, ‘di natuloy…
BEA, BALIK-TAPING NA
BALIK-TAPING na ang aktres na si Bea Alonzo sa Kapuso serye niyang Whispers From Heaven (WFH).
Nagulat ang mga netizens sa paglabas ng picture ni Bea kasama ang ilang mga fans sa set ng kanyang serye.
Ito ang unang beses na nakita ang aktres in public matapos ang kontrobersiyal niyang supposed-to-be wedding with Vincent Co.
Ayon sa aming source, kababalik lang daw ng bansa ni Bea pero agad na siyang sumalang sa trabaho. Patunay ito kung gaano ka-professional ang aktres. Mas pinili niyang tuparin ang kanyang commitment dahil maraming maaapektuhan kapag hindi niya sinipot ang taping.
Kaya naman hindi naging cause of delay si Bea sa alinman niyang project.
May mga nag-post sa social media ng pictures ni Bea habang nasa set.
Sa Instagram (IG) fan page na beaalonzo.empire, ibinahagi rin ang mga larawan ni Bea during break sa set ng WFH.
Caption sa post, “Back to work!”
Masaya naman ang naging reaksiyon ng mga fans ni Bea sa paglabas ng kanyang latest photos.
Sey ng mga fans…
“Nasa ‘Pinas na, back to work na po.”
“Sobrang miss ka namin.”
“Lalong gumaganda si Madam at lalo pang pumuti ang skin. Miss you, Madam.”
At makikita sa mga larawan na masaya si Bea Alonzo sa kanyang pagbabalik-serye. Mahal na mahal talaga niya ang pag-arte.
Tumpak!





Comments