Parehong ex ni Rayver… JANINE, WAIT TO THE MAX MAKAPAGPA-SELFIE LANG SA IDOL NA SI SARAH
- BULGAR
- Dec 17, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 17, 2022

Nag-viral agad sa TikTok ang isang video kung saan ay kitang-kita ang pagiging fan ni Janine Gutierrez kay Sarah Geronimo.
Sa TikTok video na ibinahagi ng ABS-CBN writer and vlogger na si Darla Sauler, makikita si Janine na nasa isang sulok ng stage habang nagpapa-make-up si Sarah G.
Obvious din sa video na hinihintay ni Janine si Sarah at maririnig ang boses ni Darla na sinasabi kay Sarah na “May Popster na nahihiyang magpakilala sa ‘yo.”
At makikita nang hinihila na ng staff si Janine palapit kay Sarah habang hiyang-hiya naman ang una.
“Magkakilala kami,” nahihiyang sabi ni Janine kay Darla, “pa-picture na lang.”
Nahihiyang lumapit si Janine kaya matiyaga siyang naghintay hanggang pati si Maymay Entrata ay sinamahan na siya at itinutulak na palapit kay Sarah, pero hindi pa rin makalapit ang aktres.
“Mamaya na after ng prod,” sey ni Janine.
Ipinakita rin sa video nang finally ay nakalapit na si Janine kay Sarah at magiliw naman siyang sinalubong ni Popstar. Kasunod nito ay makikitang nagpapa-picture na sila.
Kinagiliwan ito ng mga netizens at sa ngayon nga ay over 1 million na ang views ng video.
“Ang cute mag-fangirl ni Ms. Janine,” komento ng isang netizen.
“Hoy, grabe, iba talaga kapag SARAH G., kahit sa studio or kapwa artista ay fan na fan din niya,”
comment naman ng isa pang user.
Pinuri rin ng mga netizens ang pagka-humble ni Janine na kahit sikat na rin ay matiyagang naghintay kay Sarah para lang magpa-picture.
Pero natawa kami sa reaksiyon ng isang follower na “Rayver left the group.”
Si Rayver Cruz ang tinutukoy ng netizen na ex-boyfriend pareho nina Sarah G. and Janine.





Comments