Parehong ex ni Edu… MARICEL, UMAMING NAGKITA AT NAGKAUSAP SILA NI CHERRY PIE
- BULGAR
- Oct 3, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner |October 03, 2023

Nagkita at nagkatsikahan pala ang Diamond Star na si Maricel Soriano at ang aktres na si Cherry Pie Picache sa ABS-CBN Ball.
Na-curious tuloy ang marami kung isa ba sa mga napag-usapan nina Maricel at Cherry Pie ay ang kanilang parehong "ex" na si Edu Manzano.
Si Marya ay ex-wife ni Edu habang si Cherry Pie naman ang huling nabalitang karelasyon ng tatay ni Luis Manzano.
Maugong ang chika na hiwalay na sina Cherry Pie at Edu, although, wala pang confirmation from both camps.
Kaya sa ginanap na mediacon and special screening ng dalawang episodes ng Linlang, ang bagong Prime Video series na pagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman, ay natanong si Marya na kasama sa cast kung napag-usapan ba nila ni Pie ang tungkol sa mga taong nanlinlang sa kanila.
Ayon kay Marya, wala naman silang napag-usapan ni Cherry Pie tungkol dito at maging sa pareho nilang ex na si Edu.
'Yun na!
Siyanga pala, ang Linlang ay magsisimulang mapanood sa Prime Video simula sa October 5 (Thursday) at 12 midnight dito sa 'Pinas.
More than 200 countries around the world mapapanood ang Linlang kaya ang bongga, 'di ba? First two episodes ang mapapanood sa Biyernes kaya abangan at tutukan n'yo 'yan.
Kailangan lang mag-download muna at mag-subscribe sa Prime Video para mapanood ang Linlang.




Comments