Pareho raw sila ni Alex ng OB-Gyne… SARAH, OBYUS NA 5 MONTHS NA ANG TIYAN

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 24, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Nag-viral sa social media ang latest photo ni Pop Royalty Sarah Geronimo na kuha sa BTS (behind-the-scene) ng TV commercial shoot niya.
Kasama ni Sarah G. sa naturang photo ang mister niyang si Matteo Guidicelli.
Naka-light pink dress si Sarah kaya kitang-kita ang laki ng kanyang tiyan ngayon.
Bagama’t wala pa ring inaamin sina Mr. & Mrs. G sa kalat nang pagbubuntis diumano ng singer-actress, maraming naniniwala na nasa 5 months na ang laki ng tiyan ni Sarah.
May nakapagbulong nga rin sa amin na pareho pala ng OB-Gyne sina Alex Gonzaga at Sarah Geronimo.
Kung matatandaan, May this year nang unang mapabalitang na-cancel ang dapat na participation ni Sarah sa isang out of town concert.
Doon unang kumalat ang haka-hakang baka buntis na si Sarah lalo’t nahilo raw that time ang singer-actress.
So, kung tama ang bilang at haka-haka ng madlang pipol, malamang na sa January, 2027 manganak ang Pop Royalty.
But of course, mas maganda pa ring mula kina Sarah at Matteo natin marinig ang confirmation, ‘di ba?
Nakita mo na, Gabbi?
KHALIL, GAME NA GAME SA KISSING SCENE SA KAPWA LALAKI
Big success ang first day kahapon ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026, na magaganap until October 4.
Personal naming nasaksihan ang mahabang pila ng mga gustong manood sa 7 full-length films at 19 short films na kalahok sa PCPFF sa Gateway Cinemas kahapon. At nabasa rin namin ang Facebook post ng Festival Director ng PCPFF na si Sir Chris Cahilig na maraming entries this year ang nagso-soldout.
Senyales lang ito na kapag magaganda at interesting ang mga pelikula, handang gumastos ang mga manonood. Plus, siyempre, may bonus pa silang grocery items na maiuuwi from Puregold sa panonood ng mga entries sa festival.
Ang Patay Gutom na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Ian Pangilinan kasama sina Agot Isidro, Cris Villanueva, Alywn Uytingco, Mikoy Morales atbp. ang una naming pinanood kahapon, at in fairness, na-impressed kami sa animation na ginamit sa pelikulang si Ian Pangilinan din ang nagdirek kasama si Carl Papa.
Cute ang chemistry nina Khalil at Ian na at first, hindi mo iisiping may romantic angle, hanggang sa nagulat na lang kami na may kissing scene sila! Hahaha!
Naku, kung curious kayo tulad ni Gabbi Garcia – na longtime girlfriend ni Khalil – kung paano naganap ang lahat at na-execute ang naturang eksena, panoorin n’yo ang Patay Gutom na showing sa Gateway Cineplex, Trinoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!.
Congrats, Sir Chris and to your whole team, ganu’n din sa Puregold for the success of CinePanalo Film Festival!
Mala-pusa kung kumanta…
MOIRA, PINASAYAW SA IT’S SHOWTIME, PABEBE NA RAW, WALA PANG KALATUY-LATOY
NAOKRAY ang singer na si Moira dela Torre nang sumayaw sa It’s Showtime.
Nabasa namin ang comment ng mga netizens sa Threads sa nai-post na video ng guesting ni Moira sa IS, kung saan nakantiyawan nga siyang sumayaw na pinagbigyan naman niya kahit obyus na napasubo at napilitan lang siya.
Karamihan sa mga nabasa naming comments ay masyado raw pabebe at OA si Moira dahil napakahinhin gumalaw at akala mo’y Virgin Mary na hindi makabasag-pinggan.
Naturingan daw itong performer pero kung gaano kahinahon kapag kumakanta, mas grabe raw pala nu’ng sumayaw na ito, as in walang ka-energy-energy or walang kalatuy-latoy!
Dismayado talaga sa kanya ang maraming netizens na humirit na ‘wag na ‘wag na raw uling pagsasayawin si Moira sa It’s Showtime kung ayaw ng mga bossing ng show na mabawasan sila ng mga viewers.
Aray ko!!!
Yes, magkaribal sa kanya!
BYUTI AT SUPER RICH NA AKTRES, AC-DC NA, MAHILIG PA SA SEX, MAY DYOWA NANG BASKETBOLISTA, NAKIPAGTIKIMAN PA SA KAPWA BABAE
BLIND ITEM:
SHOCKED na shocked naman kami sa chika ng aming reliable source na madalas mag-feed sa amin ng blind item.
Maraming rich friends na taga-showbiz at mga negosyante ang aming source kaya marami itong ka-Marites na nakukunan niya ng mga shocking na kuwento.
Ang latest na chika niya sa amin, hindi pala totoong pera ang dahilan ng hiwalayan noon ng byuti at super rich na ngayong aktres at ng dyowa niyang basketball player kundi third party.
Ilang taon din daw tumagal ang relasyon ng dalawa at open ‘yun sa showbiz, hanggang sa nabalita na lang na naghiwalay na sila.
Pero wait… ang nakakalokah, yes, third party ang dahilan pero hindi ang basketbolista ang nagkaroon ng ibang babae, kundi ang kanyang dyowang byuti at super rich na ngayong aktres.
Tamah! ‘Yung akala nating girl na girl ang byuting aktres, eh, AC-DC pala ito. Meaning, puwede sa girl, puwede sa boy!
Ayaw nang i-identify ng source namin ang girl na natuklasan ng basketball player na karibal niya sa byuting aktres. Ang tiniyak lang ng source namin, masyado raw kasing mahilig sa sex ang byuti at super rich nang aktres, kaya hindi nakuntento sa basketball player, ayun at tumikim pa ng kapwa niya girlalu!
Hay, ‘kalokah, ‘di ba?!
May part 2 pa ang chika naming ito kaya abangan sa aming next column, mga ateng!






Comments