top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pareho nang fashionista at mala-model rumampa…CHIZ AT HEART, BAGONG MARCOS AT IMELDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 18, 2023



Ipinost ni Heart Evangelista ang video ng asawang si Sen. Chiz Escudero na super fashionista ang dating mula sa suot na black t-shirt, denim, blazer, rubber shoes, no socks, body bag at naka-dark glasses.


Mala-model din ang lakad at aura ng senador sa naturang video clip, na ginamitan pa ni Heart ng background song na Save Your Tears by The Weekend.


Ang caption ni Heart sa video post ay: “Against his will... We uploaded!:) say CHIZ” na ang ibig sabihin, ayaw ni Chiz na i-upload ang nasabing video, pero ginawa pa rin niya ito dahil wala namang masama.


May mga hindi pabor sa pagbabago ng image ni Chiz at may nag-comment pa na dahil sa bagong image nito ay tila nag-degrade na rin ang position ni Chiz bilang senador.


Kinontra naman agad ito ng karamihan dahil wala raw masama sa “bagong Chiz” ngayon. Isa pang comment, Heart is making Chiz look bad at parang Marcos at Imelda na raw ang vibes nila.


Kaya lang, mas marami ang naka-appreciate sa bagong image ni Chiz, wala raw degrading sa video at hindi kasalanan ng mag-asawa kung may pera sila, matalino at accomplished. Kung siya raw si Heart, ibabandera rin niya ang asawa.


Positive ang mga comments tulad ng, “He looks younger and younger,” “Wala siyang idea na ang lakas ng appeal niya rito. Grabeh!” “Politician, naging model na rin,” “Newest Style Icon in town” at ang sweet comment na, “Sweet Queso (Chiz) para kay Heart.”


Dahil pala sa pagbabago ng image ni Chiz, hindi na lang si Heart ang inaabangan sa GMA Gala Night 2023 happening on July 22, kundi pati na rin ang suot at porma ni Chiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page