Parang walang pinagsamahan, ha? BOYET AT TIRSO, DEDMA AT NO SHOW SA 70TH B-DAY NI NORA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 2023

Maraming Noranians ang nagtataka at nagtatanong kung bakit daw hindi man lang dumalo o nagbigay ng kanilang video greetings sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III sa ginanap na 70th birthday celebration ni Nora Aunor noong Sabado (May 20).
Alam ng lahat na ex-husband ni Nora o Ate Guy si Christopher o Boyet at nagbunga pa ang kanilang pagmamahalan ng isang anak, si Ian de Leon.
Hindi naman siguro mamasamain ni Sandy Andolong kung bumati ang asawang si Boyet kay Ate Guy, sapagkat may pinagsamahan naman ang dalawa bilang dating mag-asawa.
Samantalang si Pip naman ay sumikat at nagkaroon ng career nang maging magka-love team sila ni Ate Guy. Maraming hit movies na ginawa ang tambalan nilang dalawa noon.
Ngayon nga ay happily married na si Pip. Pero sana, for old time's sake ay nagparating man lang siya ng pagbati kay Ate Guy bilang may pinagsamahan naman sila.
Aminin man o hindi ni Pip, hindi siya sisikat at magkakaroon ng career sa showbiz kung hindi niya naging kapareha si Ate Guy noon.
Ganunpaman, hindi na isyu kay Ate Guy kung nakalimutan siyang batiin nina Boyet at Pip nu'ng ipinagdiwang niya ang kanyang 70th birthday kamakailan.
Ang mas importante naman ay nakasama ni Ate Guy sa special day niya ang kanyang mga anak, mga apo at mga loyal Noranians.





Comments