Parang wala lang daw sa misis… ALEX AT MISTER, NAGKATAMPUHAN NANG MAWALA ANG ANAK
- BULGAR
- Nov 26, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 26, 2022

Inamin ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada na nagkasamaan sila ng loob noong nakunan si Alex.
Kuwento ni Alex, alam niyang sumama ang loob ng mister niya dahil sa tingin nito ay okay lang sa kanya na nakunan siya.
Eh, defense mechanism lang daw ni Alex na ipinapakita niyang ayos lang sa kanya ang nangyari, pero deep in her heart, masakit din daw siyempre para sa kanya ang mawalan ng ipinagbubuntis.
Sumama rin daw ang loob ni Alex sa mister dahil natulog na lang umano ito nang nakauwi na sila sa bahay mula sa ospital.
Paliwanag naman ni Mikee, hindi siya nawalan ng pag-asa kahit ganoon na lang daw ang pagkadismaya niya na hindi natuloy ang pagbubuntis ng asawa.
Good thing, hindi naman daw nagtagal ang tampuhan nilang mag-asawa.
Kamakailan ay ipinakita ni Alex ang naging date nila ni Mikee nang sunduin siya ng mister sa trabaho.
Dinala siya ni Mikee sa isang Pares house kung saan makikitang enjoy silang kumakain.
Nakipagkulitan din si Alex hindi lamang sa mga staff ng kainan kundi maging sa mga customers na kumakain kasabay nila.
Matapos silang ilibre ng may-ari ng kainan, nagpasya silang ilibre na lang ang mga kasabayang customers.





Comments