Parang si Robin noon… COCO, TODO-DIIN NA 'DI PAPASOK SA PULITIKA
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 26, 2023

Dahil sa Ang Probinsyano, sumikat nang husto si Coco Martin. Pitong taon na umere ang nasabing remake ng dating pelikula ni FPJ kaya tumaas ang popularidad niya.
Tulad ni FPJ, kilalang-kilala na si Coco sa apat na sulok ng 'Pinas at maging abroad. Dahil dito, may ilang grupo ng pulitiko ang kumukumbinse na pasukin na rin ni Coco ang pulitika.
Tinanong na rin siya ni Sen. Lito tungkol dito, pero todo-tanggi si Coco at wala raw siyang balak na tumakbo sa anumang posisyon. Kuntento na raw siya sa estado ng kanyang buhay ngayon.
But who knows, ganyang-ganyan din ang sinabi noon ni Robin Padilla. Ayaw na ayaw daw niyang pumasok sa pulitika dahil wala siyang alam at hindi niya ito linya. Pero, hindi niya natanggihan ang pakiusap sa kanya ng ating Pangulong Duterte kaya sumabak na rin at tumakbong senador.
Lumusot si Sen. Robin sa kabila ng panlalait at panghahamak sa kanyang pagkatao.
Well, let's see, kung hindi na nga mababago pa ang desisyon ni Coco Martin na hindi pumasok sa pulitika. Kaya ba niyang panindigan ang kanyang pagtanggi na maging public servant.





Comments