Parang pamangkin na lang daw… CLAUDINE, MAS BATANG LALAKI ANG KATIKIMAN
- BULGAR
- Nov 16, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 16, 2023

Aminado si Claudine Barretto na after seven years ay nanibago siya sa sistema ng mga taping at shoots sa ngayon.
More so, sa latest niyang Lovers/Liars teleserye under GMA-7 at Regal Entertainment na mga baguhan ang kanyang kasama.
At pinakabata nga sa makakaeksena niya ay si Yasser Marta na kung saan may mga intimate scenes sila.
"Hindi pa namin nakukunan pero mukhang pagpapawisan ako," sey ni Clau na aminadong halos pamangkin na niya ang batang aktor.
Inspired by the concept of Bayarang Puso movie noon nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach ang itatakbo ng kuwento at mai-involve nga ang karakter ni Clau sa mas batang aktor at mga batang co-stars gaya nina Kimson Tan, Rhian Valentin, Michelle Vito, Rob Gomez at Shaira Diaz.
"There is pressure pero manageable naman. Magagaling naman ang mga batang ito at I have faith in the good script and production people and Direk Chris Aquino," dagdag pa ni Clau na bubuhayin ang pangalan ni Via sa series.
Naging pangalan na ni Clau ang Via dahil ito ang nagbigay-title sa kanya noon bilang Drama Princess sa Mula sa Puso.





Comments