Parang naging meeting-de-abanse ang reunion ng oposisyon sa pag-alala kay ex-P-Noy
- BULGAR
- Jun 27, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | June 27, 2021
Biglang pinuri ng mga kritiko si ex-P-Noy.
Ito ay kung kailan “wala” na siya!
◘◘◘
NAI-CREMATE ang labi ng dating pangulo.
Pero, bakit ililibing pa rin?
◘◘◘
HINDI COVID ang sanhi ng pagyao ni ex-P-Noy.
Taliwas sa unang ulat na lung cancer, renal failure ang nakamarka sa kanyang death certificate.
Nananatiling misteryoso ang kanyang buhay at kamatayan!
◘◘◘
AKTUWAL nang naglaho ang COVID sa Metro Manila.
Ito ay malinaw na mayroon ng herd immunity ang Kamaynilaan!
◘◘◘
SORPRESANG kumakalat ang COVID sa malalayong lalawigan.
Parang giyera ‘yan, kailangan ang “last stand”!
◘◘◘
NILALANGAW ang ilang vaccination center.
Ang ilan naman ay kapos ng suplay ng bakuna.
Supply management ang kailangan!
◘◘◘
NAKAAAMOY na tayo ng COVID-free Xmas.
Mainam naman!
◘◘◘
KAHIT wala nang COVID.
Pero, kapansin-pansin ang matumal pa ring negosyo!
◘◘◘
MABUBUHAY pa ba ang namatay nang negosyo?
Napakahirap maghanap ng sagot hinggil dito!
◘◘◘
WALA pa ring bakuna na nakalaan sa mga estudyante.
Unahin ninyo ang mga principal at titser!
◘◘◘
NAG-AALA India sa Indonesia.
Kahit vaccinated na ang mga doktor ay napapatay pa ng COVID!
◘◘◘
DAGAT lang ang pagitan ng Indonesia at Mindanao.
Hindi kaya bahagi ‘yan ng isang malawak na atake ng COVID!
◘◘◘
ANG fourth wave ng COVID ay maaaring magdaan sa “backdoor”.
Hindi ‘yan imposible!
◘◘◘
PINANGHIHINA ng COVID ang “puso”.
Ito mismo ang dahilan kaya walang nakararanas ng “coma”, bagkus ay dedbol agad!
◘◘◘
MAGIGING meeting-de-abanse ang reunion ng oposisyon sa pag-alala kay ex-P-Noy.
Matapos niyang ilibing, maaari nang magdeklara ng panlaban ang oposisyon sa 2022 presidential race!
◘◘◘
MAY kutob tayong, mapapagitna na si VP Leni.
Dumating na ang signos mula sa “langit”!





Comments