Parang 'di naghiwalay… JANELLA AT MARKUS, TOGETHER AGAIN SA PABINYAG NG ANAK
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 24, 2022

Isinabay nina Markus Paterson at Janella Salvador ang pabinyag ng anak na si Baby Jude sa selebrasyon ng 2nd birthday nito nu'ng Sabado.
Base sa mga larawang ibinahagi ng mommy ni Janella na si Jenine Desiderio sa kanyang Instagram account ay sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park ginanap ang binyag ni Baby Jude.
May video post din na nasa party si Jude at masaya siyang kasama ang kanyang Daddy Markus at Mommy Janella.
Ang caption ni Jenine sa mga larawan, “Welcome to the Christian World, @judetrevorpaterson & Happy 2nd birthday!”
Sa nakita naming video post ay civil naman sa isa’t isa sina Markus at Janella para sa kanilang anak kung saan may kaliwa’t kanang family picture sila.
Inamin din naman kamakailan ni Janella na co-parenting sila ni Markus para sa anak at kung may pag-uusap mang nagaganap sa kanilang dalawa ay tungkol lang ito kay Baby Jude.
Kamakailan ay nagkani-kanyang bati sina Markus at Janella sa kanilang Instagram account sa anak nila by posting videos simula nu’ng ipanganak ang bagets at mga unforgettable bonding nila sa bata.





Comments