Parang binili lang daw sa online… SINGSING NG MISIS NI ROCCO, NILAIT NA CHEAP
- BULGAR

- Jan 24, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | January 24, 2021

Sinagot ni Rocco Nacino ang comment ng isang netizen na ang wedding ring ng asawa niyang si Melissa Gohing-Nacino ay parang worth $10 lang.
Sabi ng netizen, “Her ring looks like the one from #Amazon 'yung parang fashion lang na mga $10” at nag-peace sign pa ito kay Rocco.
Sagot ni Rocco, “Haha! I bet you to buy this ring then from Sep Vergara. Buong set, ha, 3 'yan.”
Isa lang naman ang may nega comment dahil mas marami pa rin ang masaya para kina Rocco at Melissa at nag-wish sila ng happy married life sa mga bagong kasal.
Hindi nakabawas ang nega comment na ‘yun ng isang walang magawa para masira ang honeymoon mode ng mga bagong kasal.
In fact, may latest post nga si Rocco sa honeymoon nila sa Hilton Manila. Dito muna ang honeymoon nila habang may pandemya pa. Sa photo na ipinost ni Rocco, first mirror selfie raw nila ‘yun as husband and wife.
“Took to the pool at @hiltonmanila to just sit back and talk about the amazing day we had and what went on our minds prior to the wedding.”





Comments