Parang ang bangu-bango raw lagi ng kilikili… SIGAW NI VICE: MARIAN, MOST BEAUTIFUL!
- BULGAR
- Sep 3, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 3, 2022

Nagkita sa Preview Ball 2022 sina Marian Rivera at Vice Ganda at sa harap ng maraming tao, inulit ni Vice ang unang sinabi na para sa kanya, si Marian ang most beautiful.
“Hindi ba sinabi ko kanina, si Marian ang most beautiful for me?" at sinundan pa ng “Parang ang bangu-bango ng kilikili lagi,” na ikinatawa ni Marian.
Maririnig sa video ang request ni Vice sa mga photographers na kunan sila ng picture at marami nga ang kumuha ng kanilang litrato.
Bago naghiwalay, nag-kiss pa ang dalawa at siguradong hindi ‘yun ang magiging last nilang pagkikita.
Para sa nasabing event na ginawa sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City, isa si Marian sa Life Peg awardees.
Post ni Marian, “Thank you @previewph for honouring me as one of your Most Influential Personalities #previewball2022.”
For that event, tinatayang umabot sa P5.5 million ang suot ni Marian mula sa pink halter draped fringe Renata dress mula sa Cult Gaia na available for P133,100. Ang suot niyang Lupita heels mula sa Amina Muaddi ay worth $660 na sa peso ay P37, 270.20.
Ang pinakamahal na jewelry na suot ni Marian ay ang Tilda’s Bow Double Pave Diamond Drop earrings from Graff na sa dollars ay $49,000 at sa peso ay more o less aabot sa P2,766,074.50.




Comments