top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para walang away… ARA, IPAGPAPAALAM PA SA MISTER ANG PAGGE-GUEST NG EX-BF SA SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2023
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 8, 2023




All-out support kay Ara Mina ang public servant husband na si Dave Almarinez at ang kanyang anak na si Mandy (who's now 8 yrs. old) sa mediacon kahapon sa Elixir Resto ng unang talk-magazine show na iho-host niya sa NET25, ang Magandang ARAw na magsisimula nang umere sa July 15 (Sabado), 3 to 4 PM.


Tuwang-tuwa si Ara dahil sa 30 yrs. niya sa showbiz industry, ngayon lang siya nabigyan ng chance na magkaroon ng ganitong klase ng show kung saan iba't ibang topics ang kanilang ipi-feature at kumbaga, anything goes nga.


Pero sa pilot episode ng Magandang ARAw na tatakbo ng two parts, si Piolo Pascual ang kanyang special guest at may matutuklasan daw kay Papa P. sa chikahan nila, ha?


Although sabi ni Ara, hindi naman kailangang laging celebrity ang guest niya sa show. Minsan, kahit daw mga ordinaryong tao na may inspiring life stories ay ipi-feature nila.


Kaya hindi problema kay Ara 'yung mauubusan siya ng celebrity guests na nagiging problema ng ibang talk shows sa ibang channel.


Looking forward din siyang mai-guest ang sister na si Cristine Reyes at ang boyfriend nito ngayong si Marco Gumabao sa kanyang show.


Well, naunahan man siya ni Bea Alonzo na i-guest ang dalawa sa vlog nito, for sure naman, mas maraming malalaman at kayang uriratin si Ara tungkol sa relasyon ng dalawa kapag nag-guest ang mga ito sa Magandang ARAw.


Dahil present nga sa mediacon ang super cool at game na game naman palang hubby ni Ara na si Dave Almarinez, tinanong namin ang walang kupas sa ganda ng mukha at katawan, at pati na rin sa PR (yes, darling of the press talaga si Ara) na aktres kung puwede rin bang mag-guest sa Magandang ARAw ang kanyang mga ex-boyfriends tulad nina Polo Ravales, Jomari Yllana at Mayor Patrick Meneses (tatay ng kanyang anak na si Mandy).


Si Dave ang pinasagot ni Ara at sabi ng charming ding public servant, "Pag-uusapan muna po namin," kaya kinantiyawan siya ng mga press people na baka nagseselos pa sa mga ex-boyfriends ni Ara.


Pero firm sa pagsagot si Dave na 'di raw siya seloso at tanggap niya ang lahat ng nakaraan ni Ara.


Oh, 'di ba, swak sa literal na haba ng hair ni Ara sa mediacon ang statement na 'yun ni Dave.


Isa pang tanong namin kay Ara ay kung willing pa rin ba siyang magpa-sexy kung sakaling may offers pa.


Aniya, ibigay na raw 'yun sa mga baguhang gustong gumawa ng pangalan. Hindi na raw bagay sa kanya ang mga ganu'ng roles at graduate na siya sa pagpapa-sexy, although kung pang-Oscars (nemen!) naman daw ang role, eh, why not?!


Luh! Eh, sabi ni Dave, pag-usapan n'yo raw muna uli 'yan, Ara! Hahaha!


Oh, siya, sa sobrang daldal din nitong si Ara, tiyak na hindi siya mauubusan ng topic sa kanyang Magandang ARAw show sa Net25, lalo't suportado pa siya ng kanyang mga mababait na bossing from Sir Caesar Vallejos, Ma'm Wilma Galvante at Tonipet Gaba.


Don't miss the pilot episode of Magandang ARAw, sa July 15 na, 3 to 4 PM sa NET25.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page