top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para umunlad daw ang 'Pinas… SEN. ROBIN: CABLE CAR, SAGOT SA TRAFFIC!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 11, 2022



“Kapag ang traffic natin ay masama, ang pag-unlad po ng isang bansa ay masama rin,” ito ang bungad ni Senator Robinhood Ferdinand Cariño Padilla sa kanyang privilege speech sa Senado nitong Martes.


Nasambit ito ng bagitong senador dahil noong nasa unang taon siya sa kursong Criminology ay napag-usapan daw nila ang traffic.


“Dahil isa po 'yan sa subject, kaya nangangahulugan na kailangan nating ayusin ang traffic at maaayos lamang ‘yan kung may magandang transportasyon at iyong inyong mungkahi sa pagpapalakas ng ating mga tren ay napakaganda po nito.


“Ito po ay isang sagot, alam n’yo po ang ating bayan, geographically, ang kailangan natin talaga ay tren. Sa totoo lang po, diyan sa Bicol, eh, tren ang inaasahan namin.


“Ngayon po, gusto ko lang imungkahi sa ating mahal na senador ng San Juan (Sen. Jinggoy Estrada), merong isa ring nauuso ngayon na kung tawagin nila ay ropeway. Ito po ‘yung paggamit ng cable. Ito po ay bagay din sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila dahil sa traffic.


Ito po ‘yung mga cable car,” pahayag ni Sen. Robin.


Dinugtungan lang nito ang proposal ni Sen. Jinggoy na palakasin ang rail transportation sa bansa.


Hati ang komento ng mga netizens sa pahayag na ito ni Robin.


Una, malaking gastusin na naman daw ito, gayung mas maraming dapat unahin na pagtuunan ng pansin.


Ikalawa, hindi ito babagay sa Metro Manila dahil sa mga bagong itinatayong highway at MRT-LRT.


May mga nagsabi naman na tama ang sinabi nito na para umunlad ang bansa ay kailangang maganda ang means of transportation tulad sa ibang mauunlad na bansa.


Umayon naman ang pambansang tsismosong lalaki na si Xian Gaza sa proposal ni Sen. Robin pero hindi raw uubra ito sa Metro Manila.


Base sa video post nito habang nasa bansang Bolivia siya, “TO BE FAIR WITH SENATOR PADILLA, HINDI IMPOSIBLE 'YUNG CABLE CAR SUGGESTION NIYA DAHIL GINAWA NILA ITO SA BOLIVIA. SADYANG HINDI LANG TALAGA APPLICABLE SA PILIPINAS.”


Imbes na MRT o LRT ay cable car ang sinasakyan sa busy streets ng Bolivia.


“You know what guys, one of the cool things, unique dito sa La Paz City, Bolivia is that one of their mass transportation is cable car, cool! Hindi uubra ang Metro Rail Transport system kaya gumawa sila ng 9 lines of cable car network system para maging mass transportation ng mga Bolivianos dito,” pahayag ni Xian.


Base sa ipinakitang paglilibot nito sa buong siyudad ng La Paz City sakay ng cable ay maganda ang tanawin na wala namang ipinag-iba sa mga sinasakyan nating Light Rail Transit at Metro Rail Transit dito sa Pilipinas.


Going back to Sen. Robin ay abangan kung ano ang sagot sa mungkahi niyang bagong transportasyon ng bansa.


Samantala, kaarawan ni Mariel Rodriguez Padilla kahapon at siyempre, inasalto siya ng kanyang asawang si Binoe at dalawa nilang anak na sina Isabela at Gabriela base sa video post ng senador.


“Ang ilaw ng aming tahanan

“Ang nagpapalaki sa amin ng mga bata sa gitna ng liwanag

“Akala n'yo ba 2 lang anak niya

“Pangatlo ako at ang kanyang panganay

“A true preacher of love, family and friends

“Today is your birthday but in reality everyday is your birthday

“Araw-araw ay pinaliligaya at pinasasaya mo kaming lahat

“B-day pala namin pero ang totoo hindi lang kami ng mga anak mo ang alaga mo kundi lahat ng nasa ilalim ng pakpak mo

“Always shining your light to all of us

“Maligayang kaarawan sa iyo asawa ko

“May the Almighty bless you more always as you are a blessing to us all

“Feliz cumpleaños

“Te quiero muchísimo.”


Sinagot naman ni Mariel ang asawa ng, “I love you (emoji heart).”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page