Search
  • BULGAR

Para safe raw lahat… KASALANG ANGEL-NEIL, HINDI SA SIMBAHAN!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 17, 2021




Hindi natuloy ang dapat na prenup shoot nina Angel Locsin at Neil Arce sa Oslo, Norway dahil biglang nagkaroon ng pandemic.


Guest ang aktres kamakailan sa Level Up ng Radyo Katipunan. Birong sabi ni Angel sa programa, “Mas naa-appreciate ko ang mapapangasawa ko ngayon, kasi imbes na ako ang maging bridezilla, siya talaga ang groomzilla.”


Nabanggit ni Angel na all-set na dapat sila ng fiancé na si Neil na tumulak sa Oslo, Norway para sa prenup shoot pero nagka-COVID pandemic nga.


Kuwento ng mahusay na aktres, “Buti na lang at hindi kami natuloy, at baka hanggang ngayon ay nandu'n pa rin kami.”


Hindi kasi naranasan ni Angel ang mag-debut at um-attend ng prom kaya gustong iparanas sa kanya ni Neil ang bonggang preparasyon sa kasal.


“He wants to give me a proper wedding. Gusto ko rin na ako ang mag-e-entertain sa guests, 'yung host ako and I’ll oversee that everyone is having a good time.


"Pero of course, iba ngayon, kasi may pandemic nga,” sabi ni Angel.


Nabago rin daw ang plano nila sa darating nilang wedding this year.


“Parang back to zero. Pero Neil makes it really easier. Kasi, 'pag pinresent niya sa akin ang mga kailangang desisyunan, na-narrow down na ang choices.


"Yes or no na lang ako. Siya na bahala sa research," sambit ng aktres.


"Dati, kung ano lang ang gusto ng bride, okay. Ngayon, dapat ang safety ng lahat, iko-consider mo."


Inamin ni Angel na ang kasal niya ay magiging isang outdoor wedding at may social distancing.


Looking forward na si Angel sa buhay-may-asawa.


Pinag-iingatan daw niya ngayon nang husto ang sarili dahil nasa process siya ng pagpapa-freeze ng eggs.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.