top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Para sa proteksiyon ng mga movie workers…FDCP CHAIR LIZA, TODO-SULONG SA SENADO NG EDDIE GARCIA BILL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 25, 2022




Matatapos na lang ang termino ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman Liza Diño, heto at may pasabog pa rin siya para sa 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa Feb. 27, 2022 sa Metropolitan Theater sa Manila.


Personal na inihayag ni Chair Liza sa face-to-face presscon ang mga tatanggap ng espesyal na parangal na Camera Obscura Artistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award.


Sa mahusay na aktor na si John Arcilla igagawad ang Camera Obscura Artistic Excellence Award para sa pelikulang On The Job: The Missing 8. Ito ang pinakamataas na pagpupugay na ipinagkakaloob ng FDCP sa mga film workers o proyekto na nagpamalas ng bukod-tanging husay at umani ng tagumpay sa labas ng bansa noong 2021.


Kay Ms. Rosa Rosal naman igagawad ang Gabay ng Industriya Awards (bilang Ilaw ng Industriya) at kay Jesse Ejercito (bilang Haligi ng Industriya), ang dating producer na maraming naiambag na pelikula.


Pararangalan din sa Film Ambassadors' Night 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinilala sa iba’t ibang international film festivals noong nakalipas na taon.


Ang taunang Film Ambassadors’ Night, sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay isang gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng mga film workers na sinimulan noong 2016, pero dahil sa nagkaroon ng pandemya simula nu ng 2020 ay naging virtual na lang ang taunang selebrasyon.


Ngayong unti-unti nang nababalik sa normal ang lahat, muling magaganap ang exclusive in-person event para sa mga honorees ng 6th Film Ambassadors Night na gaganapin sa darating na February 27 sa MET. But sad to say, tanging ang mga awardees lang ang nasa exclusive event.


Humihingi ng paumanhin si Chair Liza sa mga gustong mag-cover ng event dahil nag-iingat pa rin daw sila.


Ipinangako naman niyang gagawa sila ng paraan na mai-live ang coverage ng 6th Film Ambassadors' Night.


Samantala, nakatsikahan namin si Chair Liza after ng presscon. Biniro raw niya ang mister na si Ice Seguerra ng "Naunahan ka pa," dahil sa pagpo-post ni Jake Zyrus ng topless photo niya.


Ngumiti lang daw si Ice.


Hinggil naman sa pagpapakasal nina Vice Ganda at Ion Perez, ayon kay Chair Liza, "Nakaka-relate ako sa kanila na basically ay nangyari rin naman sa amin ni Ice. And I'm happy for them."


Samantala, ibig daw niyang makapag-iwan ng legacy bilang FDCP chairwoman if ever na mawala na siya sa posisyon.


"I will push the Eddie Garcia Bill na sana ay maaprubahan na sa Senado.


"Nakapasa na siya sa Lower House at nasa Higher House na siya. Tanging pirma na lang nila ang kulang para maging okey na at mai-apply na sa mga workers, lalung-lalo na doon sa mga may mababang posisyon sa industriya.


"Si Senador Bong Revilla ang tumutulong para maisulong na ang Eddie Garcia Bill at sana, pumirma na ang iba pang mga senador para naman may masabi akong may nagawa ako o naiwang legacy sa industriya," pagtatapos ng butihing FDCP chairwoman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page