top of page

Para sa mga anak… RICHARD AT SARAH, NAGKIKITA NA ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17, 2024
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 17, 2024



Photo
File photo: Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Muli umanong nagkita ang naghiwalay na mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 


Ibinahagi ito ng columnist-radio anchor-host na si Cristy Fermin sa May 15 episode ng kanyang show na Cristy Ferminute.


Ayon kay ‘Nay Cristy, “Ako’y maligayang-maligaya para sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Kasi ‘yung kanilang si bunso, si Kai, ay nag-moving up. Eh, siyempre, dapat nandu’n ‘yung mga magulang para ipakita sa kanilang mga anak na proud sila.”


Komento naman ng kasama nitong si Rommel Chika, “‘Yan ang nakakatuwa, 'Nay. Hindi sila bumibitiw sa kanilang mga anak sa kabila ng hindi pagiging buo ng kanilang pamilya, co-parenting sila.”


“Totoo ‘yan, totoong-totoo ‘yan. At nakakatuwa po, si Richard Gutierrez ay talagang napakaresponsableng ama. Manang-mana sa kanyang tatay, si Tito Eddie Gutierrez,” hirit pa ni Cristy Fermin. 


Good news ito, malay natin, baka ito ang maging daan para magkaroon ng pagkakataong makapag-usap uli ang dalawa at magkabalikan.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page