top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para sa madir na may lupus... CLAUDINE AT MARJORIE, CIVIL LANG, 'DI PA RIN BATI

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 31, 2022


Itinanggi ni Claudine Barretto na sobra siyang na-depressed nu’ng mabigong manalo last election.


Tumakbo si Claudine bilang konsehal sa nag-iisang distrito sa Olangapo City.


“Hindi naman,” sabi ni Claudine. “Kasi uhm, sa dami ng hindi ko napuntahang kampanya, ang taas ng rating na nakuha ko, oo. Parang sa team namin, ako ‘yung pinakamataas.


“So parang, ‘yun lang, thankful na ako. Saka ‘yung makapag-serve ako kahit na konti sa mga taga-Olongapo na doon talaga ‘yung daddy ko, na doon talaga ‘yung lolo ko nag-governor, kahit papa'no, nakilala ako bilang taga-Olongapo. Kasi alam nila, taga-Iloilo ako because of my mom, Ilongga.”


Long-time dream daw ng kanyang yumaong ama na tumakbo sa Olangapo si Claudine. Taga-Subic raw kasi ang kanyang daddy.


“So, parang nu'ng dumating ‘yung opportunity, sabi ko, i-try ko. Pero hindi ako… I was half-hearted nu’ng pagpasok ko. Kasi, it was also during that time na hindi rin ako nakakapagkampanya nang sobra-sobra, nang maayos.”


Nagkasakit daw si Santino, tapos, may COVID pa.


“So, parang tinry ko lang. Kapag nag-okay, then work. Ibibigay ko ang 100 percent ko. ‘Pag hindi, okey din.”


Wala na rin daw siyang planong sumubok muli sa pulitika.


“No more! No more na! Hindi naman sa nadala ako. Pero uh, siguro hindi talaga para sa akin.”


Nilinaw din ni Claudine ang picture nila ni Marjorie na kumalat sa social media pagkatapos mag-Pasko. Kaya inakala ng marami na nagbati at nagkaayos na sila ni Marjorie.


“Sa bahay ng kuya ko nu’ng Christmas. No, hindi kina Marjorie ‘yun,” paglilinaw ni Claudine.


“Ano uh, since malaki naman ‘yung pamilya namin, ayun, kaya magkakasama kami. Pero hindi naman kami nakakapag-interact naman talaga. So, alam mo ‘yung for Mom’s sake na lang ‘yung nandoon.


“Pero hindi naman talaga kami uh, in bad terms. Pero hindi rin naman kami in good terms.


Pero I think, ngayon, mas may peace. ‘Yung kaya naming magsama in one place na behave.”


Civil lang daw sila sa isa’t isa.


“Oo, siyempre, hindi ganoon kadali ‘yun. Pero siyempre, malaking-malaking step ‘yun. Ang maganda noon, naka-one step na kami for Mommy.”


Nagkaayos na rin ba sila ng pamangkin niyang si Julia?


“Nagkikita kami,” simpleng tugon ni Claudine.


“Ayun, like 'pag mga Christmas, ganyan, parang wala lang nangyari. Doon mas meron akong…


meron kaming uh, tawag dito, interaction, ng mga pamangkin ko. Na parang wala lang nangyari, oo. So, more than si Marjorie, it’s more ‘yung mga pamangkin na ano, okey naman.”


Masaya namang ibinalita ni Claudine na maayos naman daw ang lagay ng kalusugan ng kanyang ina na si Inday Barretto.


“Mabuti naman siya. Pero siyempre, may lupus si Mommy. Eighty-six na si Mommy kaya medyo talagang… pero malakas pa siya for 86. Parang hindi naman may sakit masyado. May mga araw na umaatake ‘yung lupus niya but she’s coping," pagbabalita pa ni Claudine.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page