Para sa isang eksena lang sa serye… OOTD NI HEART, UMABOT NG P6 M!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 14, 2022

Nag-enjoy nang husto si Heart Evangelista sa kanyang role sa I Left My Heart In Sorsogon bilang fashion icon.
Nagkaroon si Heart ng pagkakataon na maisuot ang kanyang mga branded na damit, bags at sapatos, ganu'n din ang kanyang mga mamahaling relo at mga alahas.
Kung wala ang kanyang serye, hindi naman niya basta maisusuot ang magagandang designer gowns, bags and shoes niya.
Two years na ang COVID pandemic at wala naman siyang big events na dadaluhan. Kaya naman todo-rampa sa set ng I Left My Heart In Sorsogon si Heart.
Sa isang naunang eksena ni Heart sa serye, isang insider ang nagtsika na umabot daw sa P6 M ang halaga ng outfit, alahas at accessories na ginamit-isinuot ni Heart sa isang party scene.
Ang kanyang Tran Hung gown na puno ng Swarovski stones ay P244 thousand ang halaga. Ang suot naman niyang Louboutin shoes ay P38,000. At ang clutch bag niyang Judith Leiber ay nagkakahalaga ng P41,170.
Bongga rin ang ginamit niyang Bulgari diamond drop earrings na ang presyo ay P1.817 M.
Ang kanyang Bulgari diamond-studded bracelet ay nagkakahalaga ng P1.622 M. May singsing din siyang Cartier na worth P1.289 M at isa pang Cartier diamond earrings na ang halaga ay P1.213 M.
Kaya kung susumahin lahat ng ginamit at isinuot ni Heart sa isang big scene sa I Left My Heart In Sorsogon, umabot ito sa mahigit P6 million!
Lahat ng ginamit na branded and designer outfits ni Heart sa serye ay sarili niya. Kaya ang laki ng natipid sa kanya ng production.





Comments