top of page

Para sa boto… ANAK KO, FREE BOOKING SA MGA BADING — ISKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 23, 2022


ree

Para sa ibang netizens, hindi maganda ang dating kahit biro ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno sa kampanya niya sa Butuan, last Monday, na ireregalo niya sa mga LGBT ang anak niyang si Joaquin Domagoso.


Sabi ni Isko, “Sa ating mga LGBT, mamaya ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre ang booking. Pero tingin lang, ‘wag kakainin.”


Si Joaquin naman daw ay kumilos na parang tatalon sa mga tao na nasa kampanya ng ama.

Ilan sa mga nabasa naming reaction, “Anak niya 'yan, ha? Kahit sabihin mong joke, sexually suggestive jokes such as that should not be used to entice a specific group. Masyadong low. Eh, kung ‘yung anak nga niyang lalaki na alam niyang may hitsura, ginagamit niyang pambiro, as if the kid is a sexual object para lang i-arouse ‘yung crowd. Everyday palala ka nang palala, Isko.”


Pati si Joaquin, nadamay sa comment ng isang member ng LGBTQ, parang G na G daw ang young actor.


"Imagine, tatay mo, sasabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga members ng LGBTQIA+ during his rally? How low na you go Isko? Baka akala nila, super-hayok kami sa lalaki,” pahayag nito.


Ang daming tao sa kampanya ni Isko sa Butuan kung saan niya sinabing ireregalo niya si Joaquin sa LGBTQ+. Hindi naman siguro bumitaw sa pagboto sa kanya ang mga nakarinig sa kanyang joke.


Wala pang sagot o reaction si Isko sa mga na-turn-off sa kanyang joke at maging si Joaquin, wala pang reaction sa controversial na pahayag ng ama.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page