Para sa 2025 elections… BONG, PASOK SA MAGIC 6 NG SENADO
- BULGAR
- Jan 4, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 4, 2024

Happy kami para kay Sen. Bong Revilla, Jr. na balitang pumasok sa Magic 6 sa isinagawang survey ng OCTA Research ng mga bet ng tao sa pagka-senador for 2025.
Isinagawa ang survey nu'ng Dec. 10 to 14, 2023 kung saan mula sa 9th place nu'ng 3rd quarter ng 2023 ay tumalon nga sa 6th place si Sen. Bong sa 4th quarter sa survey ng isinagawa ng OCTA.
“Napakaganda po ng pasok ng taon para sa atin sapagkat damang-dama ko po na patuloy tayong pinagkakalooban ng tiwala ng ating mga kababayan," ayon kay Sen. Revilla.
"Marahil ay dulot ito ng pagbubunga ng ating mga pagsisikap sa Senado para makapagpasa ng mga makabuluhang batas na malaki at direkta ang mga benepisyo para sa mamamayang Pilipino,” dagdag pa niya.
Hindi naman kataka-taka dahil ma-effort talaga si Sen. Bong na 3-term senador na sa pagpapasa ng mga makabuluhang batas na magbibigay ng benepisyo sa iba't ibang sektor.
Siya ang pangunahing may-akda ng Senate Bill No. 2028, na kilala bilang "Revilla Bill", na naglalayong palawakin ang saklaw ng Republic Act No. 10868 o ang "Centenarians Act of 2016" sa mga matatanda na umaabot din sa edad na 80 at 90. Ang panukala ay inaprubahan ng parehong Kapulungan at naghihintay lamang ng lagda ng Pangulo.
Siya rin ang punong may-akda ng Senate Bill No. 1964 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na naglalayong gawing institusyonal ang taunang allowance sa pagtuturo na natatanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan. Ginawa niyang permanente ang teaching allowance at tinaasan din ito ng P7,500 para sa S.Y. 2025-2026 at sa P10,000 para sa S.Y. 2026-2027, mula sa kasalukuyang halaga nito na P5,000.
Bukod dito, kasama si Senate President Juan Miguel F. Zubiri, isinusulong din ni Sen. Revilla ang isinabatas na P150 across-the-board daily wage increase. Itinutulak niya ang isang batas na pagtaas ng sahod mula noong una niyang termino sa itaas na kamara.
Sa mga nakaraang termino niya sa Senado, nakapagpasa ang solon ng ilang mahahalagang batas na positibong nakaapekto sa buhay ng maraming Pilipino.
Kabilang dito ang Motorcycle Helmet Act of 2009 (RA 10054), Grant of Night Differential Pay to Government Employees (RA 11701), at ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act (RA 11909), at iba pa.
“Hinding-hindi po natin sasayangin ang malaking tiwala sa atin ng ating mga kababayan.
Patuloy po akong magsusumikap na maglingkod sa bawat isa sa pamamagitan ng pagtulong at pagsusulong ng mga nararapat na batas upang mapaunlad ang buhay ng bawat isa. 'Di ko po sasayangin ang mandatong ipinagkaloob sa akin ng sambayanang Pilipino,” pramis pa niya.
Pero sana, kahit busy si Sen. Bong bilang senador, makagawa uli siya ng movie na isasali sa MMFF 2024 dahil marami na ang nakaka-miss sa kanya.
Bongga pa rin ang career…
SANDARA, ISA SA 200 PERFORMERS SA 33RD SEOUL MUSIC AWARDS 2024

Buti pa ang South Korean idol-actress and Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park, super busy nu'ng 2023 pero wala tayong narinig na mga gimik nito para pag-usapan.
Pero 'wag ka, from the release of her self-titled EP to numerous successful music and guest appearances, 'yan ang mga nagpakulay ng 2023 ni Sandara Park.
At sa pagpasok ng 2024, excited na ang mga fans ni Dara sa mga gagawin pa niyang bagong projects.
Isa na nga rito ang pagkakasama niya bilang isa sa mga performers sa 33rd Seoul Music Awards 2024 na gaganapin sa Bangkok, kung saan aabot daw sa 200 artists ang magpe-perform.
Among the confirmed performers are Dara, GOT7 members Youngjae and BamBam, Tiffany Young, NCT Dream, Kang Daniel, and more.
And recently, Dara marked her return to the South Korean music scene with her first solo album in 14 years. The self-titled EP features the single Festival which samples Uhm Jung-hwa's 1999 song of the same name.
When asked about her next album, Dara planned to showcase a more mature and edgier concept on stage, hinting at a potential evolution in her musical style.
At kung matutuloy ang mga usapan, posibleng mabuo uli ang 2NE1 at magkaroon sila ng comeback after their surprise reunion performance at Coachella in 2022.
Kaya sa mga fans ni Sandara Park, 'wag mainip at punumpuno pa rin ang kanyang 2024.





Looking to make your corporate Christmas party memorable Spice up your corporate Christmas party with these great entertainment ideas Consider hiring a live band or a DJ to keep the energy high and encourage dancing. Interactive entertainment, such as a photo booth or a caricature artist, can add a fun twist and create lasting memories. Additionally, incorporating themed games or trivia can engage employees and foster camaraderie. For a unique touch, why not arrange for a magician or a mentalist to entertain guests? With these exciting options, your Christmas party will not only celebrate the season but also strengthen team bonds.