Para sa 2022 elections.. Ilang artista at atleta, naghain ng COC
- BULGAR

- Oct 5, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 5, 2021

May ilang mga artista, kilalang personalidad at atleta na nagdesisyong pasukin ang mundo ng pulitika, ang naghain na rin ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa 2022 National at Local Elections.
Kabilang sa mga naghain ng kanilang COC ang mga artistang re-electionist o dati nang umupo at humawak ng posisyon sa gobyerno. Si Jhong Hilario, TV host, actor at dancer, muling tatakbo sa ikalawang termino bilang councilor ng Makati.
Si Yul Servo, actor, congressman ng 3rd District ng Manila, tatakbong vice mayor ng nasabing lungsod. Si Jerico Ejercito, action star, tatakbong vice governor ng Laguna, habang ka-tandem si Sol Aragones, dating broadcast journalist, congresswoman ng 3rd District ng Laguna, tatakbong governor ng naturang lalawigan.
Si Anjo Yllana, TV host, actor, dating councilor ng Quezon City, tatakbong congressman ng Camarines Sur. Si Richard Yap, actor, tatakbong congressman ng 1st District ng Cebu City, kung saan natalo noong 2019 elections.
Si Javi Benitez, actor, tatakbong mayor ng Victorias City, Negros Occidental. Si Jason Abalos, actor, tatakbong board member ng 2nd District ng Nueva Ecija.
Si Ejay Falcon, actor, tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro. Si Annalie “Ali” Forbes, beauty queen na runner-up sa Bb. Pilipinas, tatakbong councilor ng 6th District ng Quezon City.
Sina James Yap, Ervic Vijandre, Paul Artaid at Don Allado, basketball players, tatakbong councilor na kabilang sa slate ni Mayor Francis Zamora ng San Juan City.
Si Marissa del Mar, actress, beauty queen, tatakbong congresswoman na kinatawan ng OFW (One Filipino Worldwide) Party-list. Ang paghahain ng COC ay tatagal hanggang Biyernes, Oktubre 8.








Comments